^

Punto Mo

Carabao Man (26)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISA sa mga kumitang pelikula ni Johnpaul sa Dayami Films ay ang tung­kol sa love affair niya sa isang batambatang secretarya niya. Sa pelikula ay nagkaroon sila ng relasyon. Hanggang mahuli sila ng kanyang asawa na nagtatalik sa isang kuwarto. Napakahusay nang pagkakaganap ni Johnpaul sa pelikulang iyon. Katambal niya ang isang baguhang starlet na si Maryanne na gumaganap na secretary niya.

Sa isang bed scene nila ay naging mainit ang ‘‘tukaan’’ nila ni Maryanne at natatangay siya. Akala niya ay totoo na ang nangyayaring lapangan nila ng maganda at seksing si Maryanne. At pakiramdam ni Johnpaul ay nagpapaubaya rin si Maryanne.

Naputol lamang ang masarap nilang paghahalikan nang biglang magsalita ang director ng “CUT”!

Whew! Nasabi ni John­paul sa sarili. Talagang natangay siya kay Maryanne. Iyon ang unang pagkakataon na natangay siya sa pakiki-pagtukaan. Ilang leading-lady na rin ang nakahalikan niya pero kakaiba si Maryanne. Napakalambot ng labi ni Mary­anne. Parang kumakain siya ng putong-bigas.

‘‘Akala ko hindi mo na bibitawan ang kapartner mo, JP,’’ sabi ni Dang na matapat na alalay niya. “Kung sakmalin mo ay para kang gutom na sawa.’’

Nagtawa lang si JP.

“Baka totohanin n’yo ‘yan ha JP? Ingat ka. Baka masira ang career mo.’’

“Hindi. Hanggang pelikula lang yun.’’

“Marami ka pang nakalinyang pelikula.’’

“Kayang-kaya, Dang. Don’t worry.’’

‘‘Paghusayan mo pa, JP. Baka maging Best Actor ka. Malaking karangalan kapag naging Best Actor ka.’’

“Huwag kang mainip Dang. Darating tayo d’yan.’’

“Siyanga pala, bukas ay kakausapin ka ni Mr. Kim. Mahalaga raw.’’

‘‘Ano naman kaya yun? Parang ayaw na akong pa-kawalan ni Mr. Kim.’’

‘‘Baka may sasabihin lang ang matanda.’’

“Pag hinigpitan niya ako,  sisibatan ko siya!’’

Tulala si Dang. Hindi niya inaasahan ang pana-nalitang iyon.

“Alalahanin niya mara­ming takaw na takaw sa akin.”

(Itutuloy)

vuukle comment

CEBU

SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with