Homepage ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch:

Government agencies join hands to stop ‘kotong’ cops, colorum vehicles

Natupok ang hindi pa ma­batid na dami ng mga iligal na droga at kemikal sa loob ng Philippine Drug En­forcement Agency (PDEA) nang ma­sunog ang sina­sabing evi­dence room  nito, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Quezon City, nag-umpisa ang sunog dakong alas-10 ng umaga sa bakan­teng lote sa PDEA compound sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, ng naturang lungsod.

Sinasa­bing nasunog ang mga  kemi­kal na laman ng isang storage room, isang Isuzu closed van na sina­sabing naglalaman ng mga iligal na droga, isang owner-type jeep at isang tricycle.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon, sinasabing nag-umpisa ang sunog matapos na aksi­denteng tumalsik umano ang baga buhat sa acetylene  torch na gamit ng obrerong sina Virgilio Belga, 47, at Romy dela Rosa. Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa ma­abot rin ang mga nakapara­dang sa­sakyan sa gilid ng sto­rage room.

Isinugod na­man sa East Avenue Medi­cal Center si dela Rosa matapos na malapnos ang mukha nito nang mahagip ng apoy sa sumiklab na mga kemikal.

Nabatid na mahigpit ang seguridad na ipinapatupad sa naturang lugar ng PDEA kung saan hindi pinapaya­gan ang sinuman na maka­lapit dito.  May pinapagawa naman umano ang ahen­sya sa natu­rang bodega kaya nakalapit ang mga obrero.

Homepage ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: