^

Pang Movies

Pauleen umiinom ng pampakapit!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Marami raw iniinom na gamot si Pauleen Luna para mas lumakas ang kapit ng magiging panganay nila ni Bossing Vic Sotto.

Mahigit isang taon ding naghintay ang mag-asawa bago sila biniyayaan ng sanggol sa sinapupunan ng actress/TV host.

Kita na ang baby bump ni Pauleen.

Beauty jackpot sa napangasawa

Ayun kumalat ang pictures kahapon ng kasal ng actress na si Beauty Gonzales sa non-showbiz na si Mr. Norman Crisologo na isang art collector kaya kahit hindi na mag-showbiz si Beauty, tiyak na ang bonggang buhay niya sa piling ni Mr. Crisologo. 

Ginanap ang kasalan sa Tagaytay. May isang anak na ang bagong kasal.

Base sa mga post ni Ellen Adarna, siya ang nagsilbing cupid sa dalawa na humantong nga sa dambana.

Angelica enjoy sa volleyball

Isa si Angelica Panganiban sa mga nababaliw sa volleyball.

Kahapon ay nanood na naman siya sa Araneta Coliseum ng bakbakan ng Ateneo and La Salle na siyempre ay napanalunan ng DLSU.

Nakita sa Instagram account niya na kasama niya ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez na common knowledge na amiga niya.

vuukle comment

PAULEEN'

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with