^

Bansa

Pensioners’ Day, ipinagdiwang ng SSS nationwide

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bilang bahagi ng ika-60 anibersaryo ng Social Security System (SSS), ay ipinagdiwang din ng ahensya kahapon ang Pensioners’ Day sa buong bansa.

Ito ayon kay SSS President and Chief Exe­cutive Officer Emmanuel F. Dooc ay bilang pasa­salamat ng ahensiya sa ginawang tulong ng mga pensyonado sa pagpapatatag ng SSS lalo na noong sila ay nagtatrabaho pa.

“Labis kaming nagpapasalamat sa mga pensyonado at ang kanilang dedikasyon sa SSS. Sila ay nagtrabaho ng mara­ming taon para matugunan ang pangangaila­ngan ng kanilang pamilya at para makabayad ng kontribusyon. Ngayon, nais naming ibalik ang tulong na ibinigay nila at kami naman ang mag-aalaga sa kanila,” dagdag ni Dooc.

Dinaluhan ng halos 3,500 pensyonado ang okasyon at nakatanggap ang mga ito ng libreng check-up at mga gamot.

Nakilahok din ang mga pensyonado sa iba’t-ibang palaro at marami sa kanila ang nakapag-uwi ng raffle prizes.

Nakibahagi din sila sa isang salu-salo at ang bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng regalo.

vuukle comment

EMMANUEL F. DOOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with