^

PM Sports

Hotshots bumawi

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Natapos na ang dalawang sunod na kamalasan ng Hotshots  matapos gibain  ang Blackwater, 96-90 sa likod ng limang players na nagtala ng double-figures sa 2017 PBA Commisioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta si import Tony Mitchell ng 17 points at 16 rebounds, habang nagdagdag sina Paul Lee, rookie Jio Jalalon, Justin Melton at Allein Maliksi ng 15, 13 at tig-10 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa pang-limang panalo ng Hotshots sa pitong laro.

“Kailangan naming ipanalo ito going to the All-Star break dahil two weeks kaming break,” sabi ni Star head coach Chito Victolero.

Nahulog naman ang Elite sa 1-6 sa nalasap na ikalawang dikit na kabiguan.

Kinuha ng Star ang first half, 48-42, bago naagaw ng Blackwater ang kalamangan sa pagtatapos ng third period bitbit ang five-point lead, 70-65.

Isang 20-6 atake ang inilunsad ng Hotshots para tangayin ang 85-76 bentahe laban sa Elite sa gitna ng fourth quarter hanggang palakihin ito sa 91-81 sa huling 2:08 minuto.

Ganap nang sinelyuhan ng Star ang kanilang panalo mula sa dalawang free throws ni Lee para ibaon ang Blackwater sa 94-86 sa natitirang 31.6 segundo ng labanan.

Samantala, tatargetin ng TNT Katropa ang ikalawang quarterfinals berth sa pakikipagharap sa Barangay Ginebra ngayong alas-6:45 ng gabi sa Big Dome.

Ang Meralco, may 6-1 baraha, ang unang nakakuha ng quarterfinals ticket.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay magtatagpo naman ang bumubulusok na Globalport at Mahindra.

vuukle comment

HOTSHOTS BUMAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with