Five-day na Visa-Free ng South Korea
Ang mga Filipino at ibang Southeast Asian na pupunta ng South Korea ay maaaring magkaroon ng visa-free entry scheme.
Sa pahayag ni Philippine ambassador sa South Korea na si Raul Hernandez na isinama ang Pilipinas sa plano ng Korean government na magbigay ng electronic visas at payagang magkaroon ng visa-free papasok sa mainland ng South Korea ng limang araw sa Southeast Asian citizens na ang itinerary ay kasama ang Jeju Island via Seul’s Incheon at Gimhae airports.
Isa nga ang ‘Pinas sa mabibigyan ng benepisyo sa plano ng Korea na magkaroon ng five-day na visa-free na magbabakasyon sa South Korea.
- Latest