^

Pang Movies

Kundisyon ni Angel dinahilan lang daw Darna plantsado na sa iba!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Masyadong pinag-uusapan ngayon iyang Darna matapos na sabihing hindi na nga si Angel Locsin ang lalabas sa gagawing film version noon. Iisipin mo ba na ang isang character sa komiks na nagsimula noon pang 1950, at hinango ni Mars Ravelo na siyang original author niyan mula sa isa niyang nilikhang character noong 1947, iyong Varga, ay mapag-uusapan pa rin hanggang ngayon?

Ngayon iba na ang pinagtatalunan. Hindi lamang kung sino ang nararapat na gumawa talaga ng Darna kung ‘di kung sino ang pinakamahusay na naging Darna. Hindi na masyadong nababanggit pa iyong mga nauna, dahil karamihan naman sa atin ay hindi na napanood ang mga pelikulang iyon, at saka hindi pa maganda ang “optical” na noong panahong iyon ay tinatawag pang “camera trick”.

Mabilis na nagsabi ang kumedyanteng si Pokwang na sa palagay niya ang pinakamahusay na naging Darna ay si Angel Locsin. Mabilis namang nagsalita rin ang MTRCB member at director na si Maning Borlaza na para sa kanya, si Vilma Santos ang pinakamagaling na Darna. Pero may pagkakaiba, si Angel ay naging Darna sa TV lamang noong 2005. Si Ate Vi ay naging Darna sa pelikula niyang Lipad, Darna, Lipad, isang trilogy na ginawa nina Maning Borlaza, Elwood Perez at Joey Gosiengfiao noong 1973.

Nasundan iyon ng apat pang pelikulang Darna ni Ate Vi. Kaya nga masasabi ring siya ang may pinaka-maraming pelikulang Darna, kasi nga lahat ng gawin niyang Darna ay naging blockbusters noon.

Kung iisipin mo, mahirap na magkaroon ng point of comparison sa pagitan nina Ate Vi at Angel, kasi ginawa nila iyong Darna sa magkaibang medium. Napakataas talaga ng ratings noong Darna na ginawa ni Angel noon sa Channel 7. Sinasabi ngang kahit na may iba pang gumawa ng Darna sa tv, hindi nila nalampa­san iyong ratings ng ginawa ni Angel.

Sa kabilang banda, sa dinami-dami rin naman ng gumawa ng Darna sa pelikula, walang makakatalo sa kinita ng mga pelikula ni Ate Vi. Noong 1973, ang mga pelikula ay inilalabas lamang sa ilang sinehan, pero ang mga sinehang iyon ay maghapong puno ng tao. Kaya nga maski na iyong kumpanyang gumawa noon, iyong Cine Pilipino, ay naging isang malaking kumpanya. Pagkatapos noon, hindi na pumayag ang Tagalog Ilang-Ilang Productions kung saan nakakontrata si Ate Vi na ipahiram siya ulit para gumawa ng Darna, si Atty. Espiridion Laxa na ang gumawa ng lahat ng kasunod na Darna ni Ate Vi, at kumita sila nang todo.

Kaya kung ikukumpara si Ate Vi at si Angel, mukha ngang walang point of comparison maliban sa pareho nilang ginawa iyong Darna. Sayang nga, kasi hindi na gagawa ng pelikulang Darna si Angel. Kung ginawa sana niya ang pelikula ay mas ayos. Nakakahinayang nga eh, hindi pa si Angel ang nagtuloy ng pelikula, total sa klase ng opticals at computer generated ima­ging ngayon, maraming magagawang aksiyon na hindi na kailangang gawin ni Angel physically. Palagay lang namin, naipangako nila iyang role na iyan sa iba, at alibi lang iyong health reasons daw ni Angel.

Kung nagawa ni Angel iyan, at nasundan ng iba pang mga pelikulang Darna na siya rin ang star, sana makagagawa na nga ng comparison sa pagitan nila ni Ate Vi. Pero sa ngayon, siguro masasabi naman ni Angel na siya ang pinakamatinding Darna sa telebisyon, samantalang nananatiling walang nakakatalong Darna kay Ate Vi sa pelikula.

Ang daming lumabas na Darna sa pelikula pagkatapos ni Ate Vi, pero tanungin ninyo ang mga beterano na sa showbusiness at sila na ang magsasabi sa inyo, sapaw lahat sila sa pagiging Darna ni Ate Vi noon.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with