^

Pang Movies

Pauleen gustong magbitbit ng bata mula Africa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Pauleen gustong magbitbit ng bata mula Africa
Pauleen

Happy first wedding anniversary today to Mr. & Mrs. Vic Sotto.  One week nang wala sa Eat Bulaga ang mag-asawang Vic at Pauleen, darating kaya sila mamaya sa noontime show para makasama ang mga Dabarkads sa pagsi-celebrate nila ng unang taon as husband and wife?

Nag-honeymoon muli at sa Kenya, Africa nag-celebrate ng kanilang anniversary ang mag-asawa. Hindi nagdamot si Pauleen na mag-post sa kanyang Instagram account kung saan-saang lugar sila nagpuntang mag-asawa at ang iba’t ibang hayop na ang iba ay doon lamang makikita.

Kitang-kitang nag-enjoy ang mag-asawa sa naiibang wedding anniversary celebration nila. May post siya kasama ang Masai children na sabi: “how I wish I can take all these Masai children home with me.”

Kasama nina Bossing at Pauleen ang kapatid na si Maru at wife na si Bel.

Glaiza walang malay sa kapalaran

Interesado ang mga netizen na sumusubaybay sa telefantasiyang Encantadia kung ano na raw ang susunod na mangyayari ngayong namatay na si Amihan (Kylie Padilla) at isa nga si Glaiza de Castro na gumaganap na si Sang’gre Pirena ang nagsabing kahit silang magkakasama sa taping, hindi alam kung ano ang mangyayari.

“Pare-pareho kaming nagtatanungan kung may susunod pa bang mawawala sa mga Sang’gre,” sagot ni Glaiza. 

“Mayroon pa bang muling magbubuwis ng buhay para sa Lireo ng Encantadia? Mayroon bang babalik dahil puno ng magic ang telefantasiya? O matutulad ba ito sa Encantadia 2005 na tanging si Danaya (na ginampanan ni Diana Zubiri) ang naiwanang buhay?” 

Nakakaintriga rin ang post ng head writer na si Suzette Doctolero sa Facebook ng telefantasiya ng: “Handa na ba kayo, Encantadiks? Expect new stories for d remaining Sang’gres. And how d diwanis ay mag-evolve in2 Sang’gres... stories u haven’t seen from 2005.  Book 4 comin...” Huwag bibitiw mamayang gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Fans ng mga sikat na loveteam tulung-tulong Maxine No. 1 sa online voting

Nakakasiguro na kaya ang ating representative na si Maxine Medina sa 65th Miss Universe na makakapasok siya sa Top 12 candidates na kasalukuyang nagaganap ngayong umaga sa Mall of Asia Arena in Pasay City? Nagtapos ang pagboto sa mga candidates noong Sabado ng gabi sa partial and un­official tweet counts kunsaan nasa number one si Maxine, sumunod si Miss Thailand at sumunod si Miss Indonesia. Pinagtulung-tulungan din ang pagboto ng AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, James Reid at Nadine Lustre, Liza Sobe­rano at Enrique Gil. Kasama ni Maxine ang buong bansang Pilipinas sa pagdarasal na siya ang tangha­ling bagong Miss Universe.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with