^

Probinsiya

Cafgu bulagta sa kalabang angkan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaslang ang 37-anyos na miyembro ng Cafgu Active Auxiliary (CAA) matapos itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan na sinasabing mula sa kanilang kalabang angkan sa Barangay Cayamcan, bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa noo na naglagos sa ulo kaya namatay ang biktimang si Nasser Tingkasan. Kaagad namang nagsitakas ang gunmen na sinamantala ang pagka­kagulo ng mga tao sa nasabing lugar. Lumilitaw naman sa imbestigasyon na ang kapatid ng biktima ay nilikida rin sa loob ng sabungan sa Brgy. Cayamcam sa nasabing bayan. Nabatid pa na ang pamilya ay binabayaran ng blood money na nagkakahalaga ng P100,000  ng mga suspek pero tumanggi ang mga ito. Narekober ng mga operatiba  ng pulisya sa crime scene ang ilang basyo ng bala ang cal. 45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

CAFGU ACTIVE AUXILIARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with