^

PSN Showbiz

Nakipagkita sa taga-Hermes Heart tuloy na ang ‘career’ sa Paris!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nakipagkita sa taga-Hermes Heart tuloy na ang �career� sa Paris!
Heart Evangelista-Escudero

MANILA, Philippines - Kasalukuyan palang nasa Paris si Heart Evangelista-Escudero.

Ang rason ng kanyang paglipad sa France, nakipagkita siya sa isang taga-Hermes.

Obviously nagkaayos na si Heart at isang taga-Hermes na si Michael Coste dahil nag-post na siya (Heart) ng picture nila together sa Hermes store doon.

Dati nang nabalita na nagka-interes ang isang designer ng Paris sa mga ginawang pagpipinta ni Heart sa mga Hermes bag kaya siya inimbita doon.

Katatapos lang mag-launch ni Heart ng sariling line ng perfume bago lumipad pa-Paris.

Mag-dyowang celeb, nag-feeling famous sa mall

Natawa ako sa isang starlet na nakita ko sa isang not so high end store ng mga damit na pambabae. Habang inaabot niya ang card sa cashier bongga ang dialogue niya : “Mahal sabihin mo nga sa marketing natin na kailangan natin ng sponsor para magpu-pull out na lang tayo,” ang nire-refer niyang mahal ay ang boyfriend niyang isang struggling actor pa rin dahil binigyan na siya ng lahat ng break ng kanyang network pero hindi sumikat.

Napalingon tuloy ang mga nasa tindahan ng damit dahil ang lakas nga ng dialogue ng starlet. Akala nila kung sinong sikat ang nandun.

Buti na lang din at hindi siya gaanong sumikat. Paano na lang kung sumikat pa siya or sila?

Parehong walang pinagkakaabalahan ang mag-syota sa kasalukuyan kaya madalas sa mall.

Sarah babawi sa concert at pelikula

Magkakaroon ng concert si Sarah Geronimo para sa album niyang The Great Unknown na katatapos lang mag-platinum. Titled Sarah Geronimo The Great Unknown Unplugged, gaganapin ito sa Kia Theater, sa November 29, Tuesday, 8:00 p.m.

Ang ticket at nagkakahalaga ng P2,500 (orchestra), P1,750 (lodge), P1,000 (balcony). Available na ang tickets sa TicketNet outlets. For inquiries, please call 911-555 or Viva Live 687-7236.

Matagal-tagal na rin ang last concert ni Sarah na From the Top sa Araneta Coliseum kung saan nagkaroon pa ‘yun ng second night. December 2015 pa ‘yun kaya sabik na ang fans na mapanood uli siya na humahataw sa entablado.

Katatapos lang magpahinga ni Sarah ng more than two months at ngayon ay handa na uli siyang i-activate ang career.

Bukod sa concert, namimili na rin daw si Sarah ng story para sa next possible movie project niya.

So wait-wait na lang tayo.  Ang The Break Up Playlist ang last movie niya with Piolo Pascual.

Manager ni Nora, namatay na rin

Namaalam na rin pala ang manager ni Nora Aunor na si Mr. Boy Palma.

Ayon sa malalapit sa talent manager, namatay ito kahapon ganap na 10:15 ng umaga sa kanyang tahanan sa Cubao. Complications daw ng iba-ibang sakit ang dahilan ng pagpanaw nito.

Nadalaw pa raw ni Nora Aunor ang dati niyang manager bago ito namaalam.

AiAi kinalimutan na ang lahat ng kaaway

Dahil sa Papal award, pinatawad na ni AiAi delas Alas lahat ng mga kaaway niya at nanghingi rin siya ng tawad sa mga nasaktan niya. “Lahat ng tao na sinaktan ako, pinatawad ko na at ako rin, humingi ako ng forgiveness sa lahat ng taong nasaktan ko, in any way, maliit man o malaki,” sabi ni AiAi kahapon nang magkaroon ng formal announcement si Bishop Antonio Tobias na nag-recommend sa Santo Papa na pagkalooban siya ng Papal Award.

Paano na si Kris Aquino? So payag na siyang makatrabaho ito? “Ay puwede na ok na, walang kokontra,” sabay tawa ni AiAi kahapon.

 “In my heart, na-forgive ko na siya noon pa. But mas lalo na ngayon.”

Taob lahat ng award na natanggap ni AiAi sa Papal Award (Pro Ecclesia et Pontifice). 

“Pinakamataas na ito. Talo lahat nito. International na ito. Hindi ito basta Best Actress sa Urian.”

Naging basehan ng award ang mga naitulong niya sa simbahan.                                                

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

vuukle comment

HERMES BAGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with