^

Probinsiya

Drug surrenderee tinodas sa harap ng misis, anak

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang isang drug surrenderee ng Oplan Tokhang matapos pagbabarilin ng dalawang gunman na naka-bonnet sa mismong loob ng bahay nito sa harap ng kanyang misis at anak sa may Sitio Babao, Brgy. Canduman, Mandaue City, Cebu kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktima na si Rodelito Miao, 38. Ayon kay PO2 Restituto Raboy, habang natutulog ang biktima katabi ang asawa at kanilang 7-taong gulang na anak nang pasukin ng di kilalang mga suspek pasado alas-2:00 ng madaling-araw. Ginising pa umano ng dalawang lalaking naka-bonnet ang misis ng biktima at sinabihang lumabas sa kuwarto. Agad naman sumunod ang misis at ang anak nito hanggang sa marinig na lamang ang sunod-sunod na putok at pagkatapos ay nagmamadaling tumakas ang mga salarin. Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at sa ulo ang biktima na nakasuot lamang ng damit pantulog. Ayon sa misis ng biktima, sumuko ang mister nito sa Oplan Tokhang noong Hulyo at kumayod bilang habal-habal driver matapos iwanan ang pagtutulak ng droga.

 

vuukle comment

MANDAUE CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with