^

Metro

Ginang ginilitan, inatado ng ka-live-in

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang ginang matapos uma­no itong saksakin at gilitan pa ng kanyang live-in partner na nagpakilalang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) dahil sa selos, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Grace Cerezo Rodriguez, na nagtamo ng mga saksak sa katawan at ginilit pa ang leeg.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang pagdakip sa suspect na si Paolo Fausto-Clemente, na sinasabing nagpapakilalang miyembro ng PSG. Inaalam pa ng pulisya kung tauhan nga ito ng PSG.

Sa inisyal na report na natanggap ng hepe ng Las Piñas City Police na si Senior Supt. Marion Balolong, naganap ang insidente alas-3:00 kahapon ng madaling araw sa  tinitirahan ng mag-live-in sa Brgy. Almanza Dos ng naturang siyudad.

Bago ang insidente, nagkaroon muna ng ma­initang pagtatalo sina Rodriguez at Clemente dahil nagselos umano ang suspect sa biktima.

Sa kainitan ng pagtatalo ay nakahagilap ng patalim ang suspect at inundayan nito ng ilang saksak ang kinakasamang si Rodriguez na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.  

vuukle comment

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with