^

PM Sports

Show cause order ipinalabas ng Gab

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nagpalabas ng kautusan ang pamunuan ng Games And Amusement Board (GAB) ng show cause order para sa mga operators ng off-track betting stations (OTBs) at off-cockpit betting stations (OCBS) para magpaliwanag kung bakit hindi dapat ma-revoke ang kanilang lisensya para sa patuloy na ope­rations ng kanilang negosyo.

Ang kautusan ay bu­nga ng pagkakadiskubre ng GAB na sa kabila ng kanilang naunang naipalabas na kautusan ng cease and desist order ay mayroon pa ring nahuling anim na betting stations na patuloy na nagpapalabas at kumokolekta ng taya para sa sabong.

Puwede namang magkolekta ng sabong bets kung may maipapakita lang na permiso mula sa local na pamahalaan na nagpapahintulot sa natu­rang mga betting stations.

Noon kasing nakaraang Oktubre 2016 ay inatasan na ng GAB ang Manila Cockers Club Incorporated na mag-submit ng kopya ng local business permits para sa kanilang off-cockpit betting stations.

Ito ay alinsunod na rin sa isa sa mga kundis­yones para sa pag-grant ng MCCI’s na magsahimpapawid gayundin ang mangolekta ng taya sa pamamagitan ng pagtaya sa takilya para sa sabong na labanan.

Pero walang naipakita ang animo’y manhid na betting stations operators, kaya napilitan ang GAB na atasan ang MCCI na huwag nang ituloy ang pagsa-ayre gayundin ang pagkulekta ng taya sa lahat ng nabuksang off-cockpit betting stations.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pag-isnab ng mga off-track betting stations (OTBs) na nagpapataya rin para sa kanilang off-cockpit betting stations hanggang sa mabisto nga ng GAB ang patuloy na paglabag sa kanilang kautusan.

Kaya nito lang Marso 31, 2017 ay muling nagpalabas ng cease and desist order ang ahensiyang GAB para sa mga OTB Stations na nag-o-operate rin bilang off-cockpit betting stations na itigil ang ganitong uri ng negosyo na naging epektibo sapul noong Abril 3, 2017.

Ang naturang kautusan ay mas mabagsik dahil hindi lamang ang OCBS ang naipasara kundi gayundin ang nauna nang lehitimong OTBs na kasalukuyan nang nagsasagawa ng negosyo.JMacaraig

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with