^

Bansa

Kelot pinagsasaksak kritikal

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasa kritikal na kondisyon ang isang 36-anyos na lalaki nang saksakin ito ng dating lover ng kanyang kinakasama kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Reynaldo Panganiban, construction worker, ng  Pag-asa St., Brgy. 185, Maricaban ng naturang siyudad, nagtamo ito ng saksak sa katawan buhat sa isang patalim.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na si alias “Totoy Back Drive”, taga Brgy.185, Maricaban ng naturang siyudad.

Sa report ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-10:00 ng gabi sa madilim na lugar ng Cadena De Amor, Brgy. 184 ng naturang lungsod.

Habang naglalakad ang biktima ay biglang sumulpot ang suspek at kinompronta ito.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo ay kinuha ng suspek ang nakatago nitong patalim hanggang sa inundayan nito ng saksak ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek, samantalang ang duguang biktima ay mabilis na dinala sa naturang ospital ng mga residenteng nakakita dito.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya, ang live-in partner umano ng biktima na nagngangalang “Jenny” ay dati umanong lover ng suspek.

Selos ang nakikitang motibo ng mga pulis kung bakit sinaksak ng suspek si Panganiban.

vuukle comment

TOTOY BACK DRIVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with