Marian binuksan na ang opisina!
Very, very soon, bubuksan na ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes ang kanyang bagong business, ang Flora Vida by Marian, na nagsimula lamang sa pagkahilig niya sa flowers at pa-drawing-drawing lamang. Ito na nga ang katuparan ng isa niyang dream.
Two days ago, nag-post na si Marian sa kanyang Instagram account ng larawan ng kanyang office na tinawag niyang “my official playground.” Kung ikaw ang o-order ng flowers at personal na pupunta sa store, tiyak na maeenganyo kayo dahil ang ganda-ganda ng kanyang ‘playground’ na may iba’t ibang flowers nang naka-display. Pipili ka na lamang ng gagawing flower arrangement at siya mismo ang personal na gagawa nito. Ang mga bulaklak na ito ay tatagal ng ilang buwan o taon nang hindi malalanta.
Kahapon, nag-post muli si Marian ng bagong picture ng isang bulaklak sa vase na nasa ibabaw ng mga libro at may caption na “It’s never too late to chase your dreams... @floravidabymarian #DoWhatYouLove.”
EB puwede nang dausan ng mga mini-concert
Puwede na talagang maging concert stage ang Eat Bulaga kaya naman hindi nagdalawang isip ang top Filipino Balladeer na si Basil Valdez nang imbitahan siya para sa isang mini-concert kasama ang homegrown talent ng EB na Broadway Boys. Sila ang nag-champion sa Lola’s Playlist. Kasama rin nila ang homegrown talents mula sa mga nag-champion sa Music Hero.
Unang kinanta ng Broadway Boys ang Kastilyong Buhangin, inawit naman ni Basil ang Ngayon at Kailanman at sama-sama nilang inawit ang You at finale song nila ang Nais Ko.
May concert si Basil sa Solaire Theatre sa April 29 for his 40th anniversary at magiging special guest niya si Ms. Sharon Cuneta.
Pacman pinataob ng bata!
Masaya ang segment ng EB na Jackpot En Poy kung saan naglaro ang apat na Senador na sina Sonny Angara vs JV Ejercito, Gringo Honasan vs Manny “Pacman” Pacquiao.
Si Sen. Manny na walang kinatatakutang kalaban sa ring, tuwing mag-jack en poy ay nakahawak sa dibdib dahil sa nerbyos.
Nanalo si Sen. JV kay Sen. Sonny at si Sen. Manny kay Sen. Gringo. Nang magharap sina Sen. JV at Sen. Manny, si Sen Manny ang nag-champion.
Pero sa tatlong nakalaban ni Sen. Manny sa jackpot round, si Baeby Baste lamang ang nakatalo sa kanya kaya sabi niya, bata lamang daw pala ang makakatalo sa kanya. Natalo niya sina Maine Mendoza at Taki.
Umabot ng P70-K ang napanalunan ni Sen. Manny pero ibinahagi rin niya ito sa studio audience kaya tumanggap ang mga nabunot ng tig-P10-K.
- Latest