^

PM Sports

Nagpakita ng lakas ang San Miguel

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatunayan ng nagdedepensang San Miguel na hindi lamang si ‘three-peat’ PBA Most Valuable Player awardee June Mar Fajardo ang dapat problemahin ng Barangay Ginebra.

Balanseng atake ang naging susi ng Beermen para pabagsakin ang Gin Kings, 109-82, sa Game One ng kanilang championship series sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Mula sa 60-39 halftime lead ay pinalobo ng San Miguel ang kanilang kalamangan sa 33 points, 75-42 mula sa inside basket ni Fajardo sa third quarter.

Iniupo ni coach Leo Austria ang 6-foot-10 na si Fajardo sa huling 4:02 minuto ng naturang yugto kung saan tiyak nang hindi makakabangon ang Ginebra.

Samantala, dadayo bukas ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra para sa Game 2 ng best-of-seven championship series ng 42nd PBA Philippine Cup sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Marami na ring mga maka-Ginebra at maka-Beermen ang naghihintay sa  pagdaraos ng PBA Finals sa lugar na ito.

Ito na ang ika-sampung pagkakataon na gaganapin ang PBA Finals sa labas ng Metro Manila.

Hindi ito ang unang pagkakataon na makakasaksi ang mga taga-suporta ng PBA sa probinsya ng Quezon  ng isang finals game.

Matatandaang tinalo ng Alaska Aces ang San Miguel Beermen, 82-75 para kunin ang  3-0 kalamangan sa kanilang best-of-seven  Finals series sa All-Filipino Cup ng nakaraang taon.

Ang iba pang lugar kung saan idinaraos ang PBA Finals ay sa Cebu City, Ormoc City, Laoag, Ilocos Norte, Urdaneta, Pangasinan, Victorias City, Negros Occidental, Puerto Princesa, Palawan, Tubod, Lanao del Norte at sa Digos City, Davao del Sur.

 

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with