^

PSN Showbiz

Pinay supermodel bumibida sa print ad sa buong mundo

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ginagamit nang husto ng mga producer ng I’m Drunk, I Love You ang social media para madagdagan ang audience ng pelikula nina Paulo Avelino at Maja Salvador na nauungusan nang todo sa takilya ng My Ex and Whys, ang Star Cinema movie na tinatampukan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

SCENE: Si Liza Zoberano ang personal choice ni Dra. Vicki Belo bilang celebrity endorser ng Summer Beauty Goals campaign ng Belo Medical Clinic.

SEEN: Nag-celebrate kahapon ng 7th birthday sa Circle of Fun sa Quezon City Memorial Circle ang child actor na si Alonzo Muhlach. Bukas, February 19, ang actual birthday ni Alonzo.

SCENE: Ang surprise birthday asalto ni Jasmine Curtis Smith sa kanyang kapatid na si Anne Curtis na nagdiwang kahapon ng 32nd birthday. Strongest and happiest woman in my life ang tawag ni Jasmine kay Anne na malaki ang kinalaman kaya nakapasok din siya sa showbiz.

SEEN: Isang masaganang almusal para sa birthday kahapon ni Anne Curtis ang inihanda ng kanyang chef boyfriend na si Erwan Heussaff.

SCENE: Araw ng mga Puso nang arestuhin ng Quezon City Police si Melrose Besano, ang magnanakaw na kasambahay ni Amy Perez. Nakakulong si Besano sa Camp Karingal na hindi kalayuan sa bahay na dating pinaglilingkuran.

SEEN: Ang New York based Pinay supermodel na si Charo Ronquillo ang print ad model ng Nike Sportswear at makikita sa lahat ng mga mall sa buong mundo ang kanyang mga billboard.

SCENE: Makapanindig-balahibo ang official trailer ng Pwera Usog, ang horror movie ng Regal Entertainment, Inc. Kontrabida sa Pwera Usog ang dating Regal Baby na si Aiko Melendez.

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with