^

Bansa

12 patay kay ‘Lawin’

ARTMAGEDDON - Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
12 patay kay �Lawin�
Hindi nakaligtas sa hagupit ni super typhoon Lawin ang mga poste ng kuryente na nabuwal sa kahabaan ng Maharlika road sa Tuguegarao City, Cagayan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 12 katao ang nasawi habang dalawa pa ang nawawala sa hagupit ni super typhoon Lawin na nagdulot ng matinding delubyo sa Northern Luzon partikular na sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.

Sa ulat ng Cordillera Police, nasawi sa landslide sa lalawigan ng Ifugao ang mga biktimang sina Junior Chawagan, 16 anyos at Jeramel Alfaro, 17, habang sa Benguet ay sina Edgar Genese, 40, at Jonie Borja. Nawawala naman matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig baha sa Ifugao ang biktimang si Larry Duyapat.

Base naman sa report ni Benguet Gov. Crescencio Pacalso, dalawang landslide ang naitala sa kanilang lugar na ikinasawi ng apat katao. Kabilang sa mga nasawi sa Sagpat, Kibungan ay sina Jhon Carlos Hatop, isang bagong silang na sanggol; Joshua Hella, 19; Jessie Hella, 28. Sa bayan naman ng Abatan, Buguias ay ang 65 anyos na si Arsenio Lantaen.

Sa Isabela, isang 70 anyos na matanda na inatake sa evacuation center at isang Cafgu na si Marcos Cabaldo Bernardo, 47, na nabagsakan ng nabuwal na malaking punong kahoy.

Gayunman, ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, 8 pa lamang ang nasawi sa kanilang report na natatanggap na pawang isinasailalim sa beripikasyon at dalawa naman ang nawawala.

“We are still valida­ting the identities of the victims,” pahayag ni Jalad kung saan kabilang sa mga nasawi ay isa sa Region 1, 3 sa Region 2 at apat sa Cordillera Administrative Region (CAR) na inaasa­hang tataas pa ayon sa opis­yal dahil wasak ang mga linya ng komunikasyon sa mga lugar na matinding hinagupit ni Lawin.

Kaugnay nito, inihayag ni Commander Ed Lincuna, Director ng Philippine Navy Public Affairs Office na nagdeploy na sila ng mga barko para magsagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) missions.

Nagdeploy na rin ang Army’s Training and Doctrine Command (TRADOC), ayon sa spokesperson nitong si Capt. Alberto Caber ng tatlong platoon  o mahigit 60 sundalo para magsagawa ng HADR ope­rations sa mga lugar na hinagupit ni Lawin.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Jalad ay patuloy ang assessment sa pinsala ng bagyo at handa na rin ang isasagawang clearing operations sa mga nabuwal na poste ng kuryente, linya ng komunikasyon at mga punongkahoy.

Samantala, patuloy na ang paghina ng bagyong Lawin habang palabas na ng bansa.

Alas-12 ng tanghali kahapon, si Lawin ay namataan ng PAGASA sa layong 160 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 185 kilometro bawat oras.

Ngayong Biyernes ng umaga, si Lawin ay inaasahang nasa layong 580 kilometro ng hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte at palabas na ng bansa.

vuukle comment

LAWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with