^

Para Malibang

Aswang Territory (148)

ASWANG TERRITORY - Pang-masa

MALUHA-LUHA sa tuwa sina Avia. Si Father Albert ay agad nagpasimuno ng dasal.

“Salamat aming Diyos na Hari sa lahat. Alam po namin na dahil nagsakripisyo kami kaya ninyo kami tinulungan. Napakalaking bagay po sa mga mabubuting aswang na sila ay may kakayahan nang pumili ng oras at lugar sa pagbabagong-anyo. Alam ko po na hindi sila aabuso. Hindi nila gagamitin sa masamang paraan ang bagong katangian na ibinigay ninyo sa kanila. Ama namin, Anak ng Diyos, Espiritu Santong banal ... sa inyo pa namin iaalay ang lahat na kabutihang aming gagawin sa mundong ito. Amen.”

Pati sina Avia ay sumagot din. “Amen.”

“Kailangang makipagpulong kaagad tayo kay Madam Helena pati na rin sa iba pang mga kagalang-galang na miyembro ng ating lahi ... para maipaalam natin sa kanila ang naganap sa atin.” Excited na nag-suggest si Avia.

“Tama ka, Avia! Tena sa bahay ni Madam Helena!” Natutuwa pa ring sagot ng ama ni Avia.

Lahat sila ay nagmadaling tumungo sa tahanan ng kanilang lider. Gabi pa rin.

Kaya nagulat sila nang ang sumalubong sa kanila ay si Madam Helena sa pormang tao.

“Kayo rin po pala, Madam Helena! Nagiging tao na rin kayo sa gabi kapag ginusto ninyo!”

“Hindi ko nga akalain, e. Pati ang aking anak, ang aking apo, ang aking manugang at ang aming katulong! Naging aswang sila noong kumalat ang dilim pero sabay-sabay kaming naging tao habang nagkukuwentu-kuwentuhan sa salas. Para bang may nag-utos sa aming isip na naisin naming maging tao. At naging tao nga kami. Nagpauli-ulit na kami sa pagpalit ng aming anyo at nagagawa namin. Nasisiguro na nga namin na kakayahan na namin ang maging tao o aswang ... ano mang sandali, saan mang lugar, araw man o gabi.”

Nagkaroon ng biglaang pagpupulong. At halos lahat nga ay tulad na rin nila, may freedom na to transform ano mang sandali. Pero meron ding maliit na porsiyento sa kanila na aswang pa rin. Hindi pa rin nag-transform sa pagiging tao dahil gabi pa.

Hindi pa sila pinagpala. Wala pa silang kakayahan.

Nagtatampong nagtataka ang mga hindi nakakapag-transform  nang ayon sa sariling kagustuhan.- ITUTULOY

 

vuukle comment

ALCOHOL

BACARDI

DRINK

RECIPE

SUCCESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with