^

Metro

OsTon isinasaayos para sa serbisyo sa Distrito 1 at 2

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Upang mapabuti ang serbisyo sa mga residente ng Distrito 1 at 2, sinimulan na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pagsasaayos ng Ospital ng Tondo bilang pagpapatuloy ng kanyang mo­dernization program sa anim na pampublikong ospital ng Maynila

Ayon kay Estrada, bumibili na rin ang pamahalaang lungsod ng mga bagong medical equipment tulad ng digital X-Ray at electrocardiogram (ECG) machines upang mas marami pang mahihirap na pasyete ang matulungan ng 50 bed na district hospital.

Huling pinaayos ang nasabing ospital noon pang 2009 at kulang-kulang pa ang mga kagamitan nito. No­ong umupo siya noong 2013, sinimulan ni Estrada ang P500-milyong rehabilitasyon ng lahat ng anim na pampublikong ospital at 59 barangay health center sa lungsod.

Ang isa sa mga ospital, ang Justice Jose Abad Santos General Hospital, ay ISO-certified na.

Ayon kay Dr. Isaias Cando, Jr., director ng Ospital ng Tondo­, nasa ikatlong linggo na ang P15-milyong proyekto­; ina­ayos na aniya ang lahat ng apat na palapag na gusali.

Aabutin aniya ng walong buwan ang ginagawang pagsasaayos ngunit mananatili­ pa ring bukas ang ospital upang hindi maantala ang pagbibigay-serbisyo nito sa mga pasyente.

Bukod pa rito, bumibili na rin ang pamahalaang lungsod ng karagdagang medical equipment tulad ng ECG at X-ray machines, blood che­mistry/hematology machines, cardiac monitors, at surgical sets para sa ospital.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with