^

Pang Movies

Ayaw pagamitin ng gadget LJ, sungka ang ipinalalaro sa anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hangga’t maaari ay ayaw sanayin ni LJ Reyes ang kanyang anak na si Aki sa mga gadget ngayon.

Mas gusto raw niyang naglalaro ng normal ang kanyang anak kesa sa nakatutok ito sa anumang gadgets.

“Gusto kong maging active siya sa sports tulad ko noong bata ako.

“In fairness naman to Aki, gusto niyang lagi siyang nasa labas.

“This summer, marami siyang sports na gustong gawin. Gusto niyang mag-basketball, soccer, swimming, at badminton.

“Since matagal naman ang bakasyon nila, may mga sports program and clinics naman na ino-offer ang school nila ngayong summer.

“Sabi ko sa anak ko, ‘Anak, hinay-hinay lang ha? Hindi mo kayang pagsabayin lahat ‘yan. Paisa-isa muna at mahirap ang kalaban’,” sabay tawa ni LJ.

Ang pinaka-gadget lang daw ni Aki ay isang cellphone para may magamit daw ito in case of emergency. Pero wala raw itong tablet at may oras para gamitin ang computer sa bahay nila.

“Ayokong sanayin ang anak ko sa mga gadget. Kasi maagang lalabo mga mata nila at ‘yung posture nila masisira.

“One time nagwu-workout ako sa bahay, nangungulit na maglaro kami. Sabi ko, ‘Anak huwag makulit. Ayan maglaro ka ng sungka!’

“As in, may sungka kami sa bahay. Ayun naglaro siyang mag-isa.

“Gusto ko rin kasing matutunan niya ang mga old school na laro tulad ng patintero, tumbang-preso, at piko. Kasi ‘yun ang nakalakhan ko. Napansin ko kasi ang mga bata ngayon, hindi na naglalaro sa labas at lagi na lang nakatutok sa mga tablets at smart phones.

“As a mom, I want my kid to grow up knowing ang mga nakalakhan kong laro at mga sports,” diin pa ni LJ.

This Holy Week daw ay sa Tagaytay lang sila magbabakasyon ng anak niya kasama ang ilang members ng pamilya ni LJ.

“Hindi ako nakapagplano ng bakasyon namin. Kasi sunud-sunod din ang naging work ko. Nagte-taping pa ako ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, biglang nagsimula na kami sa D’Originals.

“Kaya nagkapatung-patong ang workload, hindi ko na naharap ‘yung magplano ng vacation.

“Pero okey na rin na dito para maka-bonding ni Aki ang mga pinsan niya,” pagtapos pa ni LJ Reyes.

Gf ni Albie hindi na problemado sa pera

Isang life-changing experience para kay Michelle Arceo ang pagkapanalo niya ng Ganda Filipina title sa Wowowin noong nakaraang linggo.

Si Michelle ang girlfriend ni Albie Casiño.

Malaking tulong daw sa kanya ang mga napanalunan niya sa naturang beauty contest para sa pang-araw-araw na gastusin ng pamilya niya.

Nanalo si Michelle ng P500,000 in cash, isang kotse at kontrata sa GMA Artist Center.

“I don’t even know what to expect. I mean I kinda have an idea but my life before was very simple.

“I did car shows. I worked a lot. I’m like a normal person. I struggled with money, I have to pay for my own rent, everything.

“And now that I won this competition, I don’t have to worry about like how I’m gonna pay the bills for next month, or anything like that.

“I’m gonna be doing something that I enjoy. More opportunities and blessings, and I get to learn how to speak Tagalog better which I’ve always wanted. I’ve always wanted to do that.

“When I moved here, I came here not knowing how long I’m gonna be here.

“I’ve never had the expiration date. I adore the Philippines, except for the traffic.

“I’m super excited. I’m excited to see what my future has in store for me,” ngiti pa ni Michelle.

Pinasasalamatan daw niya ang kanyang pamilya dahil sa suporta na binibigay nila sa kanya parati.

Ayon sa ama ni Michelle na si Michael Kain: “All I can say is I’m happy and I love her. I would tell her that I love her. I’ve been there for her for a long time, both me and her mother. We support her. She was there when she was Little Miss Philippines when she was four years old. She’s always been doing things here. She’s Filipina.”

Melanie Brown umaming ginugulpi ng asawang si Stephen Belafonte!

Ang pagiging battered wife niya ang nagtulak kay Melanie Brown o mas kilala nilang Mel B a.k.a. Scary Spice ng ‘90s British girl group na Spice Girls para mag-file ng divorce sa kanya ng mister na si Stephen Belafonte.

Sa mga nag-akala na picture-perfect ang marriage ni Mel kay Stephen dahil napanood sila noon sa reality show na Mel B: It’s A Scary World, ‘yun pala ay puro kabaligtaran ang lahat.

Ayon sa 41-year-old singer at isa sa judges ngayon ng America’s Got Talent, isang “extremely aggressive, hostile and violent” ang kanyang mister ng 13 years.

Bukod sa physical and emotional abuse na natatanggap niya sa kanyang mister, nagawa pa nitong buntisin ang nanny ng kanilang dalawang anak.

“I have lived the past decade in fear that Stephen would release intimate videos of me that would embarrass me and damage my reputation and career,” ayon pa kay Mel B.

Ang naging sign ni Mel na kailangan na niyang iwan ang abusado niyang asawa ay noong itago nito ang kanyang passport para hindi siya makauwi sa England kunsaan naghihingalo na ang ama niya.

“I believe Stephen took my passport so as to intentionally delay my travel such that I would not see my father prior to his death,” sey pa ni Mel.

Ikinasal noong 2007 sina Mel at Stephen sa Las Vegas pagkatapos ng dalawang buwan na pagde-date.

May anak si Mel B. sa American comedian na si Eddie Murphy. Hindi naging maganda ang relasyon nila kaya naiwang maging single parent si Mel at parang naging knight in shining armour niya si Stephen.

Limang buwan pagkatapos silang ikinasal ay doon na raw nagsimulang saktan siya physically ni Stephen.

May isang pagkakataon daw na nag-report si Mel sa kanyang trabaho at tinakpan lang daw ng make-up ang kanyang mga pasa sa katawan na sanhi ng pagbugbog sa kanya ni Stephen kinagabihan.

Minsan nang pinagselosan daw ni Stephen ang singer na si Usher noong mag-guest si Mel sa X Factor in Australia. Sinuntok daw ni Stephen si Mel na ikinaputok ng labi nito.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with