^

Pang Movies

Kim at Gerald humihirit ng second chance?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Feeling daw nina Kim Chiu at Gerald Anderson ay first time lang nilang nagkakatrabaho sa bago nilang serye na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Reel and real-life sweethearts, we all know sina Kim at Gerald.

Pero hindi maganda ang hiwalayang naganap sa kanila. Both as a love team and as sweethearts.

Sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin, pareho silang gaganap bilang athletes. And, happily, pareho silang engaged sa sports ngayon.

Kagagaling lang ni Gerald sa isang marathon competition in the US habang si Kim naman ay nahuhumaling sa pagbibisikleta.

Mayor Lani pinaiyak ng mga kaibigan

As expected, Salve A., Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla got emotional, when at the usual flag ceremony, where, likewise, an Audio Visual Presentation (AVP) ng Lingap Ng Mapagkali­ngang Rehabilitasyon 45 Day Community Based Program and a special presentation as well on Mayor Lani’s recent recognition as Most Outstanding Mayor of 2017, awarded to her by the Superbrands Marke­ting, Inc., may biglang umalingawngaw na boses na mula sa fellow actress ni Lani na si Manilyn Reynes, requesting her to relax dahil may mini talk show pala at si Yayo Aguila ang magsisilbing host.

Sari-saring tanong ang hiningan ng sagot sa kanya ni Yayo. Mostly political muna, karamihan ay mga plano niya bilang Mayor ng Bacoor.

Nasagot niya ito nang mahusay. Hanggang sa naging medyo personal na ang tanong ni Yayo sa kanya. Kabilang na kung na kung papano niya na­gampanan for the last two years, nang ma-confine na ang kanyang kabiyak na si former Senator Bong Revilla, sa Custodial Center ng PNP, ang pagiging ina sa kanilang mga anak pati na ang kanyang pagiging lola.

Yes, lola na si Mayor Lani sa kanyang tatlong grandchildren, the el­dest of whom, Gabi, is 10 years old. Anak si Gabi ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Dalawa naman ang apo ni Mayor Lani sa anak na babae na si Inah, isang babae at lalaki.

Shown, too, to the crowd were testimo­nials of her fellow showbiz colleagues, Lorna Tolentino, Tirso Cruz III and wife Lyn, Princess Punzalan, Gary Valenciano and actor-turned-congressman ng Quezon City, Alfred Vargas.

Hindi napigilan ni Mayor Lani ang maiyak, habang nagpapasalamat sa lahat.

Mayor Lani will turn 49 on April 13.

Ang nasabing birthday surprise para kay Mayor Lani ay  kick off pa lang sa iba pang activities na niluluto para mas maging memorable ang okasyon.

Nandiyan ang Alagang Ate Lani Feeding Programs at Medical Missions para sa lahat ng mga Bacoorenos.

In any case, hindi in-expect ng kahit sino sa mga residents ng Bacoor, much less Mayor Lani, ang malaking sunog na naganap sa Barangay Maliksi kung saan halos 3,000 na residente  ng Bacoor ang nawalan ng tirahan.

Lahat ng biktima ng sunog ay kasalukuyang namimirmihan sa Maliksi Elementary School, habang inaayos, lalo na ni Mayor Lani, ang kanilang relocation.

Meanwhile, pakiusap ni Mayor Lani doon sa mga nagbabalak na bigyang siya ng regalo for her birthday, na tulong na lang sa nasunugan ang ibigay nila.

Welcome ang mga donation na bigas, iba pang pagkain, damit, kumot, banig, tubig, lalo na gamot.

Puwede nilang i-turn over o ipadala ang mga tulong na ito sa CSWD sa lobby ng Bacoor City Hall.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with