^

Probinsiya

Tserman niratrat habang nagpapahangin

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  - Bulagta ang isang kapitan ng barangay nang ratratin ng hindi nakilalang gunman sa harap mismo ng kanilang bahay sa Brgy. Neighborhood sa bayan ng Bato, Camarines Sur noong Biyernes ng gabi. Agad na namatay dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Brgy. Captain Rey Arroyo, 53 anyos ng nasabing barangay. Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-9:30 ng gabi habang nagpapahangin ang biktima nang lapitan ng hindi nakilalang gunman at ilang beses na pinaputukan hanggang sa duguang bumulagta. Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng salarin at motibo sa pamamaril.

vuukle comment

REY ARROYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with