^

PSN Showbiz

Lea nakahanap ng rason para ‘di malapitan ng fans?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang papansin na paratang kay Lea Salonga dahil sa deklarasyon nito na pinaiyak ng fans ang kanyang anak kaya hindi na siya papayag sa mga request na photo op. Mas hahangaan si Lea kung pinairal nito ang mother instinct at tinalakan niya ang mga nagpaiyak sa kanyang anak, kesa mag-rant sa social media.

SCENE: Ipinakilala kahapon sa isang hotel sa Cubao ang 40 official candidates ng Bb. Pilipinas 2017. Nakatakda sa April 30 ang grand coronation night ng Bb. Pilipinas na mapapanood sa ABS-CBN ang delayed telecast.

SEEN: Special guest sa press presentation ng Bb. Pilipinas 2017 si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nagbigay ng moral support sa mga kandidata.

SCENE: Muntik nang maging biktima ng credit card hacking si Alma Concepcion na ipinangako sa sarili na “no more online transactions para sa kanya.”

SEEN: “Don’t dare me!” ang hamon ni Jobert Sucaldito kay Erik Santos at sa manager nito na si Erickson Raymundo na inireklamo sa dzMM management ang mga social media post niya laban sa singer.

SCENE: Si Derek Ramsay ang “leading man” ni Paolo Ballesteros sa pelikula na gagawin nito sa Regal Entertainment, Inc. “Magkapatid” sina Derek at Paolo dahil mga talent sila ni Jojie Dingcong.

SEEN: “Hayaan na,” ang consistent na sagot ni Paolo Ballesteros sa mga nagpipilit na pagsabungin sila ni Vice Ganda. Ayaw ni Paolo ng mga intriga at ng mga artista na pinagsasabong ng fans.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with