^

Metro

Anomalya sa pagkuha ng drivers license sa LTO, ibinunyag ng LCSP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ibinunyag kahapon ng   Lawyers for Commuters  Safety  and Protection (LCSP) ang umano’y anomalya sa pagku-ha ng drivers license sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay LCSP foun-ding President Ariel Inton, nagsimula ang anomalya sa isang medical clinic katabi ng tanggapan ng LTO at LTFRB  sa may Magalang St. Brgy. Pinyahan sa Quezon City na ginagamit na front sa sabwatan ng mga fixers at ilang tiwaling tauhan ng LTO sa pagkuha ng lisensiya.

Anya, personal niyang nasaksihan ang anomalya nang magkunwaring kukuha ng drivers license.

Isa anyang lalaki sa me­­dical clinic ang nagbibigay  ng reviewer para sa exam ng mga sasalang na aplikante ng non-prof at prof drivers license.

Ang reviewer ay mabibili anya sa halagang P100.00  kada reviewer at kung ang medical clinic naman ang magiging daan sa pagkuha ng drivers license ay magbabayad ang bawat aplikante ng P6,000 para sa non appearance application.

Umaabot naman sa P200 ang halaga ng medical certificate na requirement sa pagkuha ng lisensiya.

 Sinabi ni Inton na bu-nga ng modus operandi ng medical clinic sa nabanggit na lugar ay maraming mga driver ang nakalulusot at nakakakuha ng lisensiya bas- tat may pambayad dito dahil sa kasabwat na taga LTO.

Umaabot naman anya ng P10,000 ang sinisingil ng Medical Clinic sa  mga dayuhang nais na magkaroon ng drivers license.

Binigyang diin ni Inton na kung patuloy na ganito ang sistema sa kada opisina ng LTO, talagang dadami nang dadami ang bilang ng mga driver na mangmang sa kaalaman sa pagmamaneho na nagdudulot kalimitan ng aksidente na minsan ay may nagbubuwis pa ng buhay sa publiko.

vuukle comment

LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY AND PROTECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with