^

PSN Showbiz

Elha Nympha biglang lumamang

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung meron pang natitirang Pinoy na nagkikimkim ng galit kay Steve Harvey dahil sa kapalpa­kang paghu-host nito ng Miss Universe pageant nang sa halip na si Pia Wurtzbach ay ibang panga­lan ang ini-announce niyang winner noong 2015, pinatatawad na siya nga­yon dahil inimbita niya si Elha Nympha, isa sa mga kabataang in­ terpreter sa Your Face Sounds Familiar Kids para kumanta sa kanyang malaganap na programa sa Amerika na Little Big Shots.

Mapapanood ang paggi-guest ng kampeyon din ng The Voice Kids 2 sa March 6 sa Viva Channel ng Sky Cable na kakantahin ang Chandelier ni Beyoncé. Malaking boost ito sa pakikibaka ng batang singer sa YFSFK kung saan ay malalakas ang mga kalaban niya.

Liza gustong maging abogado kaysa beauty queen

Hindi naman ang pagpayag niyang sumali sa isang beauty pageant gaya ng Miss Universe na iniuungot kay Liza Soberano maging ng kanyang mga magulang ang bibigyan niya ng katuparan kundi ang pangarap na makatapos ng pag-aaral. Kasaluku­yang pumapasok si Liza sa isang eskwelahan para tapusin ang kanyang high school at pagkatapos nito ay gusto niyang kumuha ng abogasya.

Bagaman at mahihirapan si Liza na ipursue ang kanyang studies dahil sa kanyang kaabalahan bilang artista, pangako niya sa kanyang sarili na magtatapos siya ng kolehiyo.

After ng movie nila ni Enrique Gil na My Ex and Whys na dalawang linggo nang tumatabo sa takilya, inihahanda na ng ABS-CBN ang kanilang susunod na teleserye.

Christian mas kilala pang singer sa Indonesia

Nami-miss n’yo ba si Christian Bautista? Akala n’yo ba ay tumigil na sa kanyang pagkanta ang binata na unang ipinangako sa kanyang sarili na mag-aasawa siya pagtuntong ng edad na 30? Limang taon na itong nakakaraan, pero single pa rin siya at walang balak na wakasan agad ang kanyang pagiging isang binata. Mayroon naman siyang isang nobya na naghihintay. Isang taon na ang relasyon nila pero prayoridad niya ang kanyang pagkanta kaya kinakailangan pa nitong maghintay.

Mas nadadalas siya sa Indonesia kung saan ay bukas palad siyang tinatanggap ng mga Indonesian. Patok sa kanila ang kanyang mga kanta lalo na ang The Way You Look At Me na hindi nila pinagsasawaang pakinggan. Halos labas-masok na siya sa nasabing bansa.

Pero kapag naririto ay mas may puwang sa kan­ya ang pag-aartista. Suportado pa rin siya ng Kapuso Network at ginawang isa sa mga kapareha ni Jennylyn Mercado sa napapanood na teleserye na My Love From The Star.

Panalo kina Megan at Andrea malalaman na

Lubos ang pasasalamat ni Dingdong Dantes sa mga nakatrabahong stuntmen sa serye niyang Alyas Robin Hood na magtatapos ngayong gabi. Marami ang bumilib sa aktor dahil hindi nito nakakalimutang pasa­lamatan ang mga taong nakasama niya sa trabaho, lalo na ang mga stuntmen na sinasaluduhan niya dahil sa sakripisyong kanilang ginagawa para mapaganda ang mapa­nganib na mga eksena nila. 

Nakaka-proud ang aktor dahil napapanatili niya ang pagiging mababa ang loob.

Magaganda ang mga eksenang aksyon sa Alyas Robin Hood at sa nalalapit na pagtatapos nito ngayong gabi, sino nga kaya ang makakatuluyan ni Pepe, si Sarri (Megan Young) ba o si Venus (Andrea Torres)?

 

vuukle comment

STEVE HARVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with