^

PSN Palaro

Lady Maroons niyanig ang Lady Spikers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Maroons niyanig ang Lady Spikers
Na-blocked ni Katrina Sta. Maria ng UE ang kill ni Cherry Rondina ng UST. Joey Mendoza

MANILA, Philippines -  Sinorpresa ng University of the Philippines  ang reigning champion La Salle, 25-22, 25-21, 25-19 upang makisalo sa liderato sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sumandal ang Lady Maroons sa matikas na laro ni Nicole Tiamzon na humataw ng 16 puntos gayundin kina Diana Carlos na umiskor ng 11 markers at Marian Buitre na nagdagdag naman ng walong puntos.

“Nag-stick lang kami sa game plan. Kahit lamang sila, we were able to recover dahil sinunod lang namin yung game plan namin,” wika ni Tiamzon.

Napanatili ng Lady Ma­roons ang malinis na rekord nito tangan ang 3-0 upang samahan sa tuktok ng standings ang National University na may parehong kartada.

Laglag naman ang La Salle sa ikatlo bitbit ang 2-1 marka.

Ito ang unang panalo ng UP sa La Salle sapul noong 2008.

Sa unang laro, napigilan ng University of Santo Tomas ang ratsada ng University of the East bago iselyo ang 25-9, 25-22, 25-23 panalo para makuha  ang unang  panalo.

Naasahan ng Tigresses si middle blocker Ria Me­neses na umiskor ng 13 puntos gayundin sina open hitters EJ Laure at Cherry Ann Rondina na nagtala ng tig-12 puntos.

 Sumulong sa 1-2 ang UST  samantalang nagta­mo ng 0-3 kartada ang UE.

Sa men’s division, nalusutan ng Growling Tigers ang Red Warriors, 28-26, 19-25, 23-25, 25-23, 15-7 upang makuha ang ikalawang panalo sa tatlong laro.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with