^

Bansa

Trapik malala kahit Sabado at Linggo 3-digit coding muling hinirit

CLARITY - Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang kongresista ang mu­ling pagpapatupad ng 3-digit number coding scheme at pag-aalis na rin ng window hour sa mga araw ng Sabado at Linggo.

Sinabi ni House Minority leader Danilo Suarez, na kukumbinsihin niya ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad na ng regular ang 3-digit number coding scheme at alisin ang window hour sa tuwing weekend.

Ang nasabing scheme ay pinaiiral ng MMDA noong holiday season para mabawasan ang traffic base na rin sa na­ging suhestyon ni Suarez.

Paliwanag ng kongresista, tapos na ang holiday season subalit nananatiling mabigat ang traffic sa Metro Manila.

Plano rin ni Suarez na kausapin ang pinuno ng MMDA na si Thomas Orbos para isulong muli ang nasabing scheme.

Iginiit ng mambabatas na kung gusto ng gobyerno na malutas ang 30% hanggang 50% ng traffic ay kailangan na nitong gumawa ng ganito kabibigat na hakbang.

Maging ang weekend umano ay hindi dapat na paligtasin sa ganitong mga scheme dahil mas malala na ngayon ang traffic tuwing Sabado at Linggo.

vuukle comment

TRAPIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with