^

Pang Movies

Kris mas may pag-asa sa TV5!

Vir Gonzales - Pang-masa
Kris mas may pag-asa sa TV5!
Kris Aquino

MANILA, Philippines - Alin daw ba talaga ang totoo, babalik sa ABS-CBN si Kris Aquino o sa GMA na siya mapapanood? Naguguluhan kasi ang mga reader at hindi malaman kung alin ang paniniwalaan nila. Balitang malabo na siya sa GMA dahil may humarang na makapangyarihan. Nakakalito raw. Gusto na tuloy na­ming hanapin si Madam Auring para hulaan niya kung saan ba talaga lalabas si Kris.

May nagtatanong nga, hindi kaya sa problema kung saan pupunta si Tetay (tawag kay Kris) asy mauwi siya sa TV5?! Anyway magaling naman siyang newscaster!

Nora nag-iba na ng relihiyon

Nasorpresa ang fans sa pagdating ng Superstar na si Nora Aunor sa international kapatiran affair ng Dating Daan.

Nakausap pa nga ni Ka Eli ang superstar sa pakikisamang sumamba ng araw na ‘yon. Tatlong araw ang pagdiriwang ng naturang grupo. Kwento ni Nilo Maligaya, member ng Dating Daan na Taga-Lucena City, napakasimple raw pala ni Nora in person. Hindi tulad ng ibang artista na papansin at kaway nang kaway.

Nagkomento pa nga raw si Guy (tawag kay Nora) na muli siyang babalik at may bago siyang movie, ang Hinulid na malapit nang ipalabas kasunod ng movie na Kabisera.                                    

 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with