^

Entertainment

‘Hands tell the story’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Hands tell the story�

Oh Holey Hands! ­— That’s me and Timothy Schmalz’s ‘I was in prison and you visited me’ at the Basilica of Saint Paul outside the walls in Rome, Italy.

Nang nagdaang mga araw akalain n’yo,

Kasabayan sa Araw ni San Valentino

Ang Ash Wednesday — paglalagay abo sa noo,

At Chinese New Year pa, Year of the Dog na tayo!

 

Waring nag-eclipse din mga araw na ito,

Naturalmente ipagpatawad po ninyo,

Mga okasyon nirambol ng Ang Poet N’yo —

ABO-LENTINES DAY at ASO Wednesday! Joke lang ‘no!

 

Para bang biro lang ng isang pari ito

Dahil nga “Ash” sukob sa Araw ni Kupido,

Ano nga raw kaya kung ilagay sa noo

Imbes hugis Krus ikorte n’yang PUSO abo?!

 

‘Yun palang pinangtatandang abo sa noo,

Galing sa pinagsunugan ng palaspas n’yo!

At Palm Sunday na susunod sa kalendaryo,

Marso Veinticinco patak sa taong ito!

 

Sa ibang lupain nag-Palm Sunday na ako,

Dun sa Nueva York at minsan sa Positano,

Simple lang mga palaspas nila pareho,

‘Di tulad sa maborloloy ng Pilipino!

 

Bakit PALM din ang PALAD sa palagay ninyo?

S’ymepre ang kuneksyon agad hinanapan ko!

Pag nakabukas kasi ang kamay ng tao,

Mga daliri’y dahon at tangkay ang braso!

 

Hindi ba nga at kapag kumakaway tayo,

Tila isang palaspas winawagayway mo,

Bilang pagbati sa isang Mahal na Tao,

Ganyan nang pumasok Herusalem si Kristo!

 

Makahulugan ang PALM o PALAD sa tao,

Sa dasal magkadikit o lahad man ito,

Pagtanggap ng Ostiya ito sumasalo,

At d’yan din dumaan mga PAKO ni Kristo!

 

At habang sinusulat ito ng lingkod n’yo,

Biglang may tumusok pa sa pag-iisip ko —

Dahil nga sa “PAKO” lalayo pa ba tayo,

Sa Ingles ay NAILS … ‘yan ang ating mga KUKO!

 

Magandang paalala ang mga kamay mo

Sa paghihirap N’ya at sa Diyos ng tao,

“KAMAY” nga ay nabanggit sa Last Words ni Kristo,

“Ama, sa mga KAMAY Mo hinahabilin Ko …”

 

Op kors alam na ninyo ang sumunod dito,

Nabuhay S’yang muli nang sumunod na Linggo,

But some Pinoys from Lunes hanggang Viernes Santo,

BUHAY NA BUHAY sa Boracay at sa Baguio!

 

Dahil panahon na ng Kuwaresma tayo,

‘Di na naman maiwasang maalala ko

Ang tungkol ba sa Station of the Cross na kwento

Ng isang lola nang minsang magsimba ako!

 

Nagsimula s’ya sa Katorse napansin ko,

Pumuntang Trese hanggang pababa na tungo!

Sagot n’ya nang sabihin ko ang mali nito,

“Kaya pala PALAKAS NANG PALAKAS si Kristo!

vuukle comment

JOEY DE LEON

OH HOLEY HANDS!

TIMOTHY SCHMALZ

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with