^

Entertainment

‘Foreskin and 59 Years Ago!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Last week nagkaron tayo ng konting discussion

Tungkol sa TULI o TULE or circumcision,

Kung bitin pa kayo’y here’s our continuation

But first, joke time muna just like in TULE-VISION!

 

Este television, ‘yung sa Juan For All, All For Juan

Isang bagong tuli aming napagtanungan

Kung sa pukpok lang ay hindi ba s’ya nasaktan,

Ang sagot sa amin ay, “TULE-RABLE naman!”

 

Ang Poet N’yo ‘di naman makasagot d’yan

Sapagkat pangimay ako ay ginamitan,

Pero ang masakit ako ang nasampolan

Pagkat mga interns ako’y pinagpraktisan!

 

Habang tinutuli ba’y pinag-aaralan!

North General Hospital yata pagamutan!

Iba-iba humahawak, boys and girls naman,

Walang pakiramdam but pinagpapawisan!

 

Kaya pagtuli sa akin ay natagalan,

May mga pa-lecture-lecture pa kasi’t usapan!

‘Di ako makaangal at tahimik na lang,

‘Yun ang problema kasi libre tuli lamang!

 

Opisyal kasi dun ang babae kong pinsan

Kung kaya nga gratis lang at napakiusapan,

Para pa ring part ng joke time napagkwentuhan,

Eh kasi ‘yung GRATIS … NANGAMATIS din naman!

 

Summer ba o tag-araw ay anong panahon?

Pukpok o punchline -— summer is the CIRCUM-SEASON!

Ngek! At bakit Viagra KANIN comparison?

Eh kasi raw EXTRA RISE ang kanyang donation!

 

Ngek! Salamuch lalo sa nag-standing ovation!

At dahil ‘yang tindig sabay clap ay na-mention,

We have here a very, very wonderful question —

Pwede raw bang bagong tuli ay magkaron nun?!

 

Ubra bang sabay ang ARAY at AHAY? Ewan!

‘Yung bayabas parang tayo lamang ang meron!

Nginunguya, pagkapukpok itinatapon!

Kung sa sugat papatak ‘di sigurado ‘yon!

 

 ‘Di naman siguro sa Kastila galing ‘yun

Dahil tayo lang mahilig sa tapal dahon!

Basta natatandaan ko meron pa ‘yang song —

“GUAVAS ARAY” ... “are ripe” pala ... relaks, kalma lang!

 

Ang mga Pinoy pa nga ay may superstition —

Kesyo bagong tuli should not have exhibition!

Lalo sa young ladies, must have witness protection

Sapagkat pag nakita MANGANGAMATIS ‘yon!

 

Hindi ko na naman alam what is the reason,

Sa tingin ng dalaga what is the connection?

Mga pamahiin kelan pa ‘yan umusbong?

Meron pa ngang right after sa ilog tatalon!

 

Ang pagtutuli nga noong unang panahon,

At ito’y sa nagpasimula naaayon,

Utos kay Abraham sa kanyang henerasyon,

Pagtuli sa bata WALONG ARAW paglaon!

 

Ang iba sa atin um-overacting naman,

Paglabas ng bata agad ay circumcision!

At meron naman nagpatuli lang nang gurang

Dahil ikakasal makalipas isang bwan!

 

Subalit wala namang problema’t oks lang ‘yan

Dahil dun sa mga hindi nakakaalam,

Nang tuliin sarili nitong si Abraham,

Sobrang gurang ... siya’y SIYAMNAPU AT SIYAM!

 

May nagtanong ba’t ‘di raw sinarang ‘SANDAAN,

Well, sa joke din natin ngayong paksa ay sarhan

Hmmm… ang isasagot ng iba d’yan malamang

Yung two bells magiging CENTURY EGGS naman!

 

From one Abraham to another na usapan

Pagkat kung tatama ang aking calculation,

Katulad Gettysburg speech ni Abraham Lincoln,

“FORESKIN and 59 years ago nang binyagan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with