^

Entertainment

‘Spokening Kanto-Nese’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Spokening Kanto-Nese�

KANTO-NESE PA MORE! Cigarettes then were also called JABAY, YOSI or USOK. If things are done in a half-hearted way; ’yung bang halos no effort and enthusiasm, tawag nun BINASTOS, BINALBON, BAHALA NA (today it’s BALAHURA) pero sa grupo namin — ALAHOY!

Sa showbiz ang sikat maraming katawagan,

Sari-saring titulo ang pagpipilian,

Subalit sa akin kung pwede ay ‘wag na lang,

Pag binusisi kasi ay nakakailang!

 

Ang ICON at IDOL kasi pag pinag-konek,

CON-DOL ang dating ng magiging tunog n’ya! Ngek!

Kung LEGEND naman may “END” sa ending ang lintek!

Kung STAR… RATS ka pag binasa nang patiwarek!

 

Ano na naman ‘yang mga pinapauso?

Kesyo LODI ay IDOL at kung ano-ano,

Excuse me lang at pinaglumaan na ito,

Salita lang ito sa mga kanto-kanto!

 

Parang GIBUT na GIMALAM lang ‘yan pare ko,

Eh di TUBIG na MALAMIG kapag sumirko!

Mas cute pa nga sa’kin ‘yang “HIR NA ME, WER NA YOU?”

Pwede ba, MALUMS na ‘yan mga GOLTI ninyo!

 

Mas marami noon mga salitang ganyan

At kayo-kayo lang magkakaintindihan!

SIRIPIT at KAPLOG tungkol sa romansahan,

Sa tatay at lolo n’yo itanong n’yo na lang!

 

TSIKS at EBOBOT madali pa ‘yang malaman,

Baduy na nga ‘yan sa aking kinalakihan,

Babae tawag nami’y GOMA… ‘di n’yo alam?

Ubra ring TEKS… kasi nga para lang laruan!

 

WAPUT, WANKATA, DUDING… kung mapapansin n’yo,

Maraming tungkol sa babae nun ang lingo,

BOSO, BATING, DAMAGAN… kasi nga’t paano,

Wala pang cell phone, BABONG lang interesado!

 

Subalit pag true love iba na ‘yang usapan,

‘Yung TL ‘di sinasama sa kalokohan!

Kaya nga pag nabasted ay napapa-MAMAM,

Mag-aamoy tsiko na dahil sa tomaan!

 

Ka-grupo o ka-tropa noon ay BARKADA,

Ka-gang o ka-club kung ikaw’y buena familia,

DABARKADS o mga TSOKARAN di’y kilala,

At s’yempre mga REPAPIPS mo lahat sila!

 

Pag-ingatan mong ang TOGA mo’y makatapak

Ng HOMABANG ETCHAS, TAKLA o kaya’y JACKPOT!

Kung may SYOTITAY na’y ipaalam sa ERMATS,

Lagi mong ipe-PETSA ang iyong WATIWAT!

 

Ang KARAKAS mo ba nun ay IGOP o NGEPOY?

Ang JAPORMS mo ba’y mistulang SYANO o AMBOY?

Game ka ba’t sama lang sa TIPAR basta’t enjoy?

Kahit walang YOKABA at BOGA ay KOBOY! 

 

At eto pa tingin ko ang nakakatawa —

BALLS for scrotum hindi uso sa kanila,

Pero mga tambay hindi nila napuna,

Sila nauna nung YAGBOLS binanggit nila!

 

Laki ‘kong Sampalok at unang trabaho ko —

Sa Santa Cruz at Tondo ako’y nadestino!

Naumpok sa mga konyo at magbubuko!

Kaya ang dugo ko ay timpladong-timplado!

 

Pero hindi ako isang basagulero,

Wala sa akin ‘yang RAMBOL, RESBAK at gulo!

‘Yang resbak nanggaling sa “rush back” for your info,

‘Di naman ako DOTARANTS… ra-si lang lo-u!

 

Kung saan-saang HAYBOLS ako nalo-LOGTU!

Bumobogtsi’t tsumitsirit ng kahit ano!

Sa mga MANYING nakikigamit pabango,

Pwede namang alcohol

pero oks ‘yung Canoe!

 

Ang dehins ko lam-a kung ron-me pa nga nito,

Dahil umanda pa sa Jovan at Brut tayo!

Um-Aqua Velva rin pero ang sanay ako —

Sa ginagayla ng barbero pagkapetgu!

 

Akalaing Intramuros pa ang opis ko!

Kasamahan ko’y mga matatandang loko!

Sagip ko lahat mga pilyo nilang kwento!

Ngunit sa simbahan ako nama’y miyembro!

 

Kaya nung araw bukod sa Tagalog-English,

Naturalmente gumamit na rin ng Taglish,

At hanggang sa ngayon sa boka ‘di maalis

Ang isa pang lengwahe at ‘yan ang KANTO-NESE!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with