^

Entertainment

‘Kapit-Bahay Kubo’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Kapit-Bahay Kubo�

Kahit munting Bahay Kubo kung kay Vicente Manansala naman ito! At sari-sari na nagmay-ari — PROVENANCE: Given by Mang Enteng to Ang Kiukok (take note of dedication on lower left of painting), then from ANG Kiukok to ANG Poet N’yo!

Isang araw bigla na lang nagkagulo

Sa dating matahimik lang na Bahay Kubo,

Nais humingi ng paliwanag narito

Tungkol sa lugar nila sa awiting ito!

 

Nauna nang naikwento ng Ang Poet N’yo —

“Nauna SINGKAMAS dahil SING KA MASYADO!”

‘Yan ay ayon sa ‘di kasaling si PIPINO

Sa dahilang kantang-kanta na nga raw ito!

 

Si TALONG nagtanong bakit kasunod lang s’ya?

Nabungad tuloy ni MALUNGGAY, “Ay tanga!

Op kors after SING… TALONG o ALONG syempre pa!”

Nagalit si Talong sa pakialamera!

 

Si Pipino at Malunggay kasi kumbaga,

Sa Bahay Kubo hindi sila nakatira!

Kulelat na LINGA pa ri’y lilinga-linga,

Sa gulong nangyayari ay tatanga-tanga!

 

Sumingit si LITSUGAS, “Teka nga, bakit ba

Hindi kami kasali sa naturang kanta?

Sino ba nagpasya at wala rin si OKRA?

Mas mabuti pa si SITAW, BATAW, PUNYETA!”

 

Sumabat si PATANI medyo nairita,

“’Wag mo akong mapunye-punyeta Litsugas ka!

Eh si REPOLYO nga ay wala rin hindi ba?

Kaya letseng Litsugas ka ‘wag kang kokontra!”

 

“PATANING INA MO! Bakit ba ang yabang mo?!”

Pasok ni PECHAY, “Eh mas sikat ako sa ‘yo!

Dapat ang awiting ito na ay mabago

At isama na rin si AMPALAYA dito!”

 

“Mabuhay AMPALAYAAN ng Pilipinas!”

Ang birada ni ESPINAKA o Spinach!

Say naman ni Ampalaya, “Thank you very much!

Ngunit may maganda akong pakiusap!”

 

“Makinig lalo KAMOTE, SILI at KANGKONG …

And all not included in the Bahay Kubo song,

I think mas maganda itong aking suggestion —

Ba’t ‘di na lang tayo pagawang another tune?!”

 

“Mas mainam siguro ang naiisip ko!”

Singit ng biglang nabuhayang si Pipino!

“‘Yun na rin ang tono, titik lamang ay tayo,

At magiging titulo — KAPIT-BAHAY KUBO!”

 

Natahimik ang lahat sa sinabing ito,

Tulo laway si Okra sa narinig nito!

Espinaka ‘di muling nakatiis dito,

Sigaw n’ya, “MABUHAY ANG PILI NI PIPINO!”

 

At hindi na nakapigil si Kangkong dito,

“Sandali Spinach ‘di ka naman Pilipino

Pero bakit parang ikaw ang gulong-gulo?

Anak ka lang sa labas ng Tatay ko you know!”

 

Ops, at usapan bigla muling naging seryo,

Nang kay Spinach biglang embrace si Kangkongito!

“Joke lang! Lahat tayo’y magkakapatid dito!”

At lahat sayawan sa himig DESPACITO!

 

“KAPIT-BAHAY KUBO”

(To the same tune of Bahay Kubo with little delivery adjustments)

 

KAPIT BAHAY KUBO

MALAKING KONTI

ANG HALAMAN DOON

IBA NAMANG URI

 

LITSUGAS AT KANGKONG

MALUNGGAY AT PILI

SILI AT ALUGBATI

 

SAYOTE AT OKRA

KAROT, AMPALAYA

AT SAKA MERON PA

MATAMIS NA ASELGA

 

PATATAS, PIPINO

REPOLYO’T BROKULI PA

SA PALIGID-LIGID

ACHUETE NA MAPULA!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with