^

Entertainment

‘National Lampasuhan 2’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�National Lampasuhan 2�

Natunghayan n’yo ang NATIONAL LAMPASUHAN

Na nangyari dito nitong Linggong nagdaan,

Pagpatuloy natin ang mga kaganapan

Kung sino mga “Pambansang” na may karapatan!

 

Mga BULAKLAK pa rin ay nagkakagulo!

SAMPAGUITA parang naghuhuramentado!

WALING-WALING at YLANG-YLANG inararo!

Kesyo not good maging “Pambansa” mga ito!

 

Basta inuulit pangalan is a NO-NO!

Para rin daw sira-sira o luko-luko!

Narinig ito ng dumaraang PARO-PARO,

“Hmmm… kaya out ako sa Pambansang Insekto!”

 

Ang mga binanatan nasaktan masyado,

Si Waling-Waling ay wala nang preno-preno,

“Sinusumpa kita! Puti lang labas sa ‘yo,

Pero ‘SANG PUGITA ang itim ng loob mo!”

 

“Bakit, saan ka ba galing sa akala mo?

Pinulot ka lang sa Bumbay ‘di katulad ko!

Ako’y tubong Mindanao, lahing Pilipino!

At ‘di ako pangkalye tulad mo! I THANK YOU!”

 

Sa hindi kalayua’t nakikinig dito,

Mga ISDA naman na kumakandidato,

Sabi ni SAP-SAP kay PLA-PLA, “Talo na tayo!”

Habang si HASA-HASA ay tatango-tango!

 

“Ewan ko sa inyo!” sigaw ni LAPU-LAPU,

“Basta ako laban kung laban hanggang dulo!

Itong si BANGUS pick lang ng Amerikano,

Tulad ni Sampaguita… PUTI kasi ito!”

 

Oo nga ‘no! But wait, KAYUMANGGI ba’y ano?

Parang wala naman… TINAPA lang alam ko!

Biglang pasok si UNGGOY at nagwika ito,

“Tama na ‘yang FISH TALKS! ‘Yang BIRD ang tanggalin n’yo!”

 

“Ayyy… Yuck!” biglang puro ‘yan ang maririnig mo!

Nag-blush mga bulaklak sa sinabing ito!

Sobrang bastos daw ni Unggoy at walang modo!

“’Yung pinalit kay MAYA ibig sabihin ko!”

 

Naliwanagan lahat ngunit ang magulo —  

‘Di naman n’ya kauri binabawal nito!

Tinanong si Monkey at ang sagot n’ya dito,

“National Bird n’yo kasi MAMAMATAY TSONGGO!”

 

Ingay ng bulungan sa Convencion Nacional!

‘Di raw dapat Pambansa ang isang kriminal!

Nang biglang lumapag malaking Philippine EAGLE,

“Bakit, sino’t meron ba ritong umaangal?!”

 

Matapos mahaba-habang katahimikan,

Si Unggoyito ay may hinirit na naman,

Habang ang Agila ay hinihingutuhan,

“Boss, next time… DONKEY-EATING naman ang subukan!”

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with