^

Entertainment

‘National Lampasuhan’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�National Lampasuhan�

Hmmm…pwede na kaya kaming ma-nominate para sa Pambansang Palabas sa TV? Ayyyy hindi pa pala pwede dahil wala pa kaming kabuhay-buhay…you know, LIFE BEGINS AT 40!

Ang NATIONAL sa Pilipino ay PAMBANSA,

Ang mga nais lumahok nagpulong bigla,

Lahat ay naroon sa kanilang akala

Ang nararapat at ipaglaban ay handa!

 

Ingay ni ADOBO waring ginagahasa!

S’ya raw dapat tanghaling Ulam na Pambansa!

Si SINIGANG ‘di makapaniwala,

Lahat ulam daw UMAASIM pag nasira!

 

Ngek! At nagbangayan na ang dalawang bakla!

Kumukulo dalawa’t hindi mapayapa!

Tili ni Adobo s’ya rin daw ay may SUKA!

Say ni Sinigang, “Hay naku may TOYO ka nga!”

 

Dugtong pa ni Sinigang, “Hindi ka Pambansa

Dahil sa totoo AMPON ka ng Kastila!

May tsimis pa ngang Pranses sa ‘yo nag-alaga!”

Napikon si Adobo hanggang mapaluha!

 

Ngunit ang lahat nagkamali ng akala,

Nang si Adobo bigla muling kumawala!

Hinarap si Sinigang at nagbubunganga!

Sumasabog ang laway at pati mantika!

 

“Hoy Sinigang na bu-ang ‘wag kang maninira!

‘Kala mo kung sino kung makapagsalita!

Eh hindi ka rin naman uubrang Pambansa

At PULOT ka lang daw sa Malaysia nung bata!”

 

Excuse me lang, sister ko sa labas ‘yun yata!

Eh ikaw ‘di mo knowing kung saan nagmula!

Kaya ‘wag mag-ilusyong ulam kang Pambansa!”

Naglupasay si Adobo at nagngangawa!

 

Sa ‘di kalayuan nakatingin lang sila —

SAMPAGUITA, YLANG-YLANG at GUMAMELA,

Bulaklak na kalahok ay hiyang-hiya ba

Sa ginawi ng mga ulam na dalawa!

 

Ilang na ilang si Ylang-Ylang talaga,

“Kahit ano’ng mangyari all friends tayo basta!”

Ngunit hindi nakatiis magpatutsada

Kay Ylang-Ylang ang dalawa n’yang amiga!

 

Dapat daw ay hindi na s’ya sumasali pa

Pagkat amoy at aliw sa ibang bansa na

Nito ngang si Ylang-Ylang ibinebenta!

Mga taga-Europa ang nagpapasasa!

 

Turn naman ngayon ni Ylang-Ylang mag-drama,

“Nagawa ko lang naman ‘yon dahil sa pera,

At may tampo ako sa iyo Sampaguita,

Matagal nakabuntot lang sa ‘yo hindi ba?”

 

“Kung ma-disqualify man ako’y tanggap ko na,

At ang mag-National Flower ri’y ikaw pa

Subalit sa boto ko ay ‘wag nang umasa

Sapagkat ibibigay ko kay Gumamela!”

 

Nang si POINSETTIA napasigaw ng, “PUNYETA!”

Magsitigil daw sila sa drama’t dapat s’ya

Ang Pambansang Bulaklak para raw masaya!

Araw-araw Pasko kahit na All Saints Day pa!

 

“Magsitahimik kayo at ako ang Reyna!”

Ang sigaw ni WALING-WALING nang bonggang-bongga!

“Sa mga DAPO ako pinakamaganda!

Share kami sa trono nitong si Sampaguita!”

 

“Sa mga hindi nakakaalam at tanga,

Ang Dapo ay Orchid in English!” dagdag pa n’ya,

Say ni Gumamela na medyo nairita,

“DAPO ‘kamo? Dapat National Bird ka pala!”

(To be continued...)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with