^

Entertainment

‘Peking News’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Peking News�

Dabarkads 22 at MOTT 32 — in the picture with Eileen and Joey are Mads and Tony Tuviera, Helen dela Cruz, Jimmy Santos, Poochie Rivera, Sheila Ilacad, Patricia Tumulak, Vic and Pauleen Sotto, Paolo Ballesteros, Ruby Rodriguez, Anjo Yllana, Rizza Dizon, Jeny Ferre, Maine Mendoza and Alden Richards, Sheila Arumpac, Allan K., Ryzza Mae Dizon and Baste.

Two Sundays ago ang Dabarkads nagpuntahan

Sa Hong Kong at swerteng tapos nang mag-uulan!

‘Sanlinggong raining bago kami nagdatingan

At meron pa raw typhoon ang matindi pa n’yan!

 

Bukod sa masarap na hapunan sa Sai Kung,

Na dinayo pa isang oras mula Kowloon,

Tampok din sa trip isa pang dinner na champion —

Sa MOTT 32 ang Dabarkads napa… LAMON!

 

Sisiw sila dito pagdating sa Peking Duck!

Magsabing ‘di totoo may hashtag sa utak!

Baliktarin n’yo hashtag TAG-HASH … may TAGAS! Ngak!

Basta, binabalikan ito basta KWAK-KWAK!

 

Apple Wood Roasted 42 Day Peking Duck ‘to!

Kung kaya BIBI-hira kaya subukan n’yo!

At next day, fried pigeon pa lunch ng Ang Poet N’yo,

Too much yata IBON appetit ko… NAHILO!

 

Tawagin na lang nating PEKING NEWS ‘yung huli,

At pwede rin namang isang DUCK-CUMENTARY!

Na binrodkas at napanood sa BIBI-C?

BIBI-C eh di Bibing Chinese… Peking Duck! Ngeh!

 

Mahalagang isulat ko ang tungkol dito

Dahil sa koneksyon sa kasaysayan nito —

Kahalagahan sa Pinoy ng mga Tsino,

Malalaman ninyo pagdating sa dulo!

 

First, saan ba galing pangalang MOTT 32?

Sa “32 Mott Street”, sa New York City ito!

The very first convenience store ng mga Tsino!

Mula d’yan isinilang ang Chinatown dito!

 

Pero ngayon ang malaking tanong ay ANO

Ang kauna-unahang Chinatown sa mundo?

Clue: As old as kasikatan ni Lapu-Lapu!

Ma-proud kayo sapagkat ito’y sa… BINONDO!

 

O ano ngayon? Kayo gulat sigulado!

Kaya ‘yung mga sumasawsaw pa sa isyu

Tungkol sa South China Sea tumigil nga kayo!

Kung patirahin ba kayo ron eh kaya n’yo?!

 

Bayaan n’yong makipag-usap ang Pangulo!

Alam naman n’ya mabuti sa Pilipino!

At kung ako nga lang ang tatanungin ninyo,

Palitan na “Pilipinas” ng BIBI-NONDO!

 

Akalain n’yo Year 1594 pa lang,

Nagkaron na sa Pilipinas ng Chinatown!

Kaya ganon na katagal ating samahan,

Op kols JOEY DY LEE ONG tunay kong pangalan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with