^

Entertainment

‘Desti-Name’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Desti-Name�

Ops, hindi po kami nagsimba ni Eileen dito! Nag-check-in po kami sa isang hotel dito sa Italy. We are at the lobby of the Centro di Spiritualita Padre Pio Hotel-Congressi in San Giovanni Rotondo! Syanga pala, ang ‘check-in’ sa Italian ay hindi Checkinini!

Sa kalikutan ko na nama’y napag-ugnay —

Na isang sustansya’t pampalusog ng buhay

At tunay na nagbibigay ng sigla at kulay

Ang PAGLALAKBAY… katulad ng mga GULAY!

 

Ops, sandali’t bago magsitaas ang kilay,

O basta magtaas na lang dalawang kamay,

Maliban na lang sa akin na’y mga sanay,

Pinag-isipan namang ito’y bigyang pugay!

 

Kung salitang VEGETABLE kasi’y tatadtarin,

Sa tatlong bahagi ay uutay-utayin,

In three words — BED, JET, TABLE kapag hahatiin!

Tungkol sa PAGTULOG, PAGLALAKBAY, PAGKAIN!

 

O ‘di ba ‘yan mga bahagi ng TRAVELING?

Mga gagawin pag nasa ibang lupain?

Naturalmente nandyan na ang dyarannn… SHOPPING!

Bukod GULAY ‘yan tinatawag na… BUY-TAMIN!

 

VEGETABLE… BED, JET, TABLE… he, he, he… imadyin

Akin pa ‘yang napansin para kalikutin!

Wala ba kayong mga kamay mga darling?!

Sa totoo lang naisip ko ‘yan while flying!

 

‘Di kasi ako mahilig mag-movie watching

Pag lumilipad at hirap ako mag-sleeping!

Kaya binubuno ko buong trip just writing,

Thinking, eating… kung mapikit eh di magaling!

 

Nung pabyahe na’ng Costiera Amalfitana,

Pagkatapos Hong Kong habang papuntang Roma,

Sinusulat ko’y tungkol mga nangyari na

Sa trip na ito at narito ang umpisa —

 

“Kung minsan talaga ang mga pangyayari…

On time! Ito yata ang tinatawag na… DESTINY!

Today is April 2 papunta ng Italy,

‘What’s In A Name?’ column ni Starzan ehem, that’s ME!

 

Noong ang plane namin to Hong Kong pababa na,

Doon kasi connecting flight papuntang Roma,

Lumapit ang steward at nakipagkilala,

Syempre tinanong ko kung ano’ng pangalan n’ya!

 

Sinabi n’yay RAINIER na agad nasundan ko

Ng, ‘Rainier as in Rainier, the Prince of Monaco?’

Oo raw! ‘Wag mong sabihing GRACE din misis mo?!’

Buti’t naka-seatbelt ako… sagot di’y OO!”

 

DESTI-NAME! Santa Maria Ina ng Grasya!

At full name ng misis n’ya — Grace Santa Maria!

Ang puntong ito hindi ko ba pinansin pa,

Ngunit nagtugma pagdating namin Italia!

 

Sapagkat pagpasok sa hotel naming una,

Sumalubong ang estatwa ng Birheng Maria!

At driver nga pala aming kasa-kasama,

Ang kanyang pangalan ay MARIO nga rin pala!

 

Dun ito sa Centro di Spiritualita,

Kung nasaan si Saint Pio of Pietrelcina!

Sa tingin n’yo saan kami unang nagsimba?

The Shrine of Our Lady of Grace ang pangalan n’ya!

 

Subalit hindi pa ‘yan nagwawakas dito,

Na lubhang kinagulat at kinatuwa ko!

Sapagkat nung sa Amalfi naman nagtungo,

Sa hotel si SAINT JOSEPH naman kasama mo!

 

Sa mga paglalakbay ay mapalad ako

Dahil sa mga nakamamanghang “regalo”

Sa ideya’t mga nakakahalobilo,

BED, JET, TABLE, BUY-TAMIN… at meron pa nito!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with