^

Bansa

GRAB driver na ‘tulak’ sakote

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Arestado ang isang ‘tulak’ umano ng droga na suma-sideline bilang driver ng isang transport network service (GRAB) matapos na isagawa ang buy-bust operation laban sa kanya sa Cubao, Quezon City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police Station 7, nakilala ang suspek na si Eladio Tiburio, 42, ng Brgy. Bagong Lipunan Crame, QC.

Ayon sa ulat, nadakip ang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 7 sa may kahabaan ng Roxas St., cor Araneta Ave. Cubao, QC.

Diumano nakatanggap ang PS-7 ng impormasyon kaugnay sa modus ni Tiburcio na nagsa-sideline bilang transport driver upang makapagbenta ng iligal na droga sa lugar.    

Dahil dito, ikinasa agad ang buy-bust operation kung saan isang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu.

Dakong alas-5 ng umaga nang matiyempuhan ng mga operatiba si Tiburio.  Nang abutin ng suspek ang halagang P500 sa buyer na pulis ay dito na siya agad na dinampot ng mga nakaantabay na operatiba.

Narekober mula sa kanya ang isang  medium-sized na sachet ng hinihinalang shabu, dalawang cellphone, ang buy-bust money, at ang minamaneho niyang silver na Toyota Vios.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang comprehensive dangerous drug act of 2002.

vuukle comment

ELADIO TIBURIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with