^

Pang Movies

Piolo pino-promote rin ang Jericho-Bela movie

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Suportado ni Piolo Pascual ang pelikulang Luck At First Sight na showing na ngayon. Ang kaibigan niya kasi si Bb. Joyce Bernal ang may hawak production nito under her Joyce Bernal Production.

Eh kapwa producers din sina Piolo at Joyce na Spring Films na part producer sa Piolo-Toni Gonzaga reunion movie.

Incidentally, nagkaroon ng premiere ang Jericho Rosales-Bela Padilla starrer sa Cebu last Monday.  Patok na patok sa Cebuano ang lam­bingan at harutan ng main leads.

Kahit wala si Echo sa preem dahil wedding anniversary ng kasal nila ni Kim Jones, pinadama pa rin ng mga Cebuano ang init ng suporta nila sa Dan Villegas movie.

Ryan at Juday sa Italy pa uminom ng wine

Dumayo ang mag-asawang Ryan Agon­cillo at Judy Ann Santos sa Puglia, Italy. Para silang bagong-kasal na naman drin­king wine minus their kids.

“At lasttttttt!!! After 3 plane rides, 2 bus rides and  1 car ride..nakarating na kami!!! CHEERS!!!” caption ni Juday sa IG account niya.

Katatapos lang ng 8th wedding anniversary ng mag-asawa. Back to work na rin si Juday. Pero sa interview sa kanya, feel pa rin niyang magkaanak muli, huh!

Janice may apelang medic

Umapela na si Janice de Belen na magkaroon ng medic sa taping nila ng Destined To Be Yours.

“Sometimes our scenes become physical and there is always a chance that accidents happen. Di ba mandatory ang medics sa set???” tweet ni Janice na ni-retweet ng ilang vieweers ng programa.

Sa isang kumalat na picture ni Gardo Versoza sa social media, hayun at nakahiga siya sa ospital bed at nilalagyan ng bolsa de yelo ang ulo.

AiAi dedma sa network war!

Walang puwang ang network war kay AiAi delas Alas kahit na nga nasa  so Network na siya.

Special guest si Ai sa Tonight With Boy Abunda para sa promotions ng mo­vie niyang Our Mighty Yaya.

Kaya naman nagpasalamat siya sa ABS-CBN pati na sa GMA na pinayagan siyang umapir sa kalabang istasyon. Siyempre, malaking tulong din ang manager niyang si Boy Abunda upang makalabas sa prog­rama.

 

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with