^

PSN Palaro

Congrats, Donnie!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

World champion ulit si Donnie Nietes.

At kabilang na siya kina Manny Pacquiao at Nonito Donaire na mga nakapanalo ng world title sa mahigit tatlong weight divisions.

Si Pacquiao ang kai­sa-isang boxer sa mundo na nag-champion sa walong divisions. Si Do­naire naman ay nagharing uri sa lima.

Nung Sabado sa Cebu City, tinalo ni Donnie si Komgrich Nantapech ng Thailand para makuha ang IBF flyweight crown.

Matagal namamayagpag si Donnie sa minimumweight (104 lbs) at light-fly­weight (108 lbs). Ngayon ay kampeon na siya sa 112 lb division.

Ang tanong ngayon ay kung gaanu katagal kaya hahawakan ni Donnie ang titulo?

Nahirapan siyang kunin ang timbang nung Biyernes. Naka-tatlong attempt at nakuha lang ang limit nang maghubad na siya ng briefs niya. Eksakto sa 112 pounds.

Kaya ang mabilis na usapan ay kung kailangan pa niyang umakyat sa 115 para maging mas komportable siya.

Sa super-flyweight division ay nandun din ang mga matitinik na sina Juan Francisco Estrada at Roman "Chokolatito" Gonzalez na matagal nang hinahabol ni Donnie.

Tinanong natin ang trainer ni Donnie na si Edito Villamor at ang sabi niya, sana ay ‘wag magmadali si Nietes.

Nasa edad 34 na si Donnie at baka hindi na advisable na umakyat pa siya sa 115. Baka maliit na siya para rito at kainin na lang ng mga kalaban niya ang suntok niya.

Mag-stay na lang daw muna sa 112 si Donnie at subukan depensahan ang titulo ng dalawa, tatlo o apat na beses.

Tsaka siya mag-decide kung kaya pa niya umakyat.

In short, relax lang, Donnie.

vuukle comment

DONNIE NIETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with