^

Metro

Power transmission tower ng NGCP, tumumba dahil sa sunog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Power transmission tower ng NGCP, tumumba dahil sa sunog
Ang tumumbang power transmission tower ng NGCP matapos ang naganap na sunog kahapon sa Muntinlupa.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines - Nagdulot ng matinding trapik sa mga motoristang bumabagtas sa South Luzon Expressway (SLEX) ang natumbang power transmission tower ng National Grid Corporation (NGCP) na napinsala habang nasusunog ang ilang barung-barong,  kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Ayon kay Tess Navarro, chief ng Public Information Office (PIO) ng Muntinlupa City Hall, alas-8:48 ng umaga nang masunog ang ilang barung-barong mala-pit sa Alabang Viaduct Exit ng SLEX, Brgy. Alabang ng naturang lungsod.

Dahil sa sunog ay napinsala ang isang transmission tower ng NGCP (Biñan-Muntinlupa 230k volt line), na nakatayo sa may Northbound ng naturang lugar nang humina ang pundasyon nito dahilan upang matumba. Bandang alas-9:15 ng umaga nang dumating ang mga personnel ng NGCP para magsagawa ng inspection at i-check ang  safety perimeter nito.

Sa kabila nito walang naganap na power interruption  dahil sa line redundancy system ay kailangan aniyang ibayong inspection ang isa­gawa sa natumbang tower upang tiyakin na wala na itong kuryente para hindi makapinsala.

Kinailangang i-clear ang magkabilang panig ng natu-rang lugar, kung kaya’t nagdulot ito ng trapik sa mga motoristang bumabagtas sa kahabaan ng SLEX.

Ayon naman kay Bureau of Fire Protection (BFP) Muntinlupa  City chief Supt. Gilbert Dolot, hindi naman nagtagal ang sunog dahil kaagad itong naapula nang rumispondeng mga bumbero alas-9:15 ng umaga. Tinatayang nasa 80 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Samantala, humingi ng paumanhin kahapon ang pamunuan ng South Luzon Expressway sa mga moto­rista dahil sa nangyaring abala dulot ng insidente.

“Because of the imminent danger this situation posed to motorists, we closed both the northbound and southbound Alabang viaduct at around 9:10 AM to ensure the public’s safety. We reopened all lanes by 9:52 AM. The Fire Department eventually declared Fire Out at around 10:11 am,” pahayag ng SLEX.

“We continue to work to ease the traffic buildup caused by this incident and have deployed additional personnel and traffic enforcers on site. We will continue to update the public on the status of clearing operations,” wika ng SLEX.   

vuukle comment

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with