^

Pang Movies

AiAi iniyakan ang lindol!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Umiiyak habang nagdarasal si AiAi delas Alas nang maramdaman ang lindol nu’ng Sabado nang hapon. Nasa isang mataas na building siya sa Bonifacio Global City nang maganap ang lindol.

Sa post ng Comedy Queen sa Instagram, nakasaad ang, “Na-experience ko today ‘yung lindol…Nakaka nerbyos…Magdasal tayo dahil nadadalas ang lindol sa ating bayan…MAY GREAT GOD PROTECT US EVERYTIME…BE SAFE EVERYONE.”

“Neng, ang lakas ng pangalawa. Kaya nga todo ang dasal ko. Takut na takot ako nu’ng moment na ‘yon!” tsika sa amin ni AiAi nang pasyalan namin sa show niya sa Winford Hotel last Saturday.

Agad ngang nag-post ng Earthquake Prayer si AiAi sa kanyang Instagram account. Bale ito na ang pangalawang lindol na nahagip ang Metro Manila.

Marami nga lang ang nagtataka dahil Batangas na naman ang na­ging sentro ng lindol sa loob ng isang linggo. May TV director ngang nag-post ng lindol sa kanyang Facebook account habang nagti-taping doon.

Let’s all pray na huwag nang maulit ito lalo na sa kababayan natin sa Batangas.

Anyway, ngayong araw na ito, may Pabasa sa bahay ni Ai sa QC. Sa Huwebes Santo, kanya namang aalalahanin ang Visita Iglesia. After Holy Week, ratsada na siya sa promotions ng Mother’s Day movie niyang Our Mighty Yaya, huh!

Celebrities iba-iba ang trip ngayong Holy Week!

Bakasyon mode ang ilang celebrities ngayong opisyal nang nagsimula ang Holy Week.

Paris ang destinasyon ni Heart Evangelista. Paris-bound din ang komedyanteng si Allan K kasama ang business partner niyang si Lito Alejandria

 ‘Yun nga lang, stranded muna si AK ng isang araw sa Dubai. Hindi niya napansin na expired na ang Europe visa niya. At least, sosyal ang hotel na tinirhan nila, huh!

Nasa Canada naman si Kim Chiu para sa show kasama ang Star Magic. Nakunsisyensa nga lang siya na hindi mag-work out dahil nasa hotel na niya mismo ang gym, huh!

Nasa Florida naman si Janella Salvador para sa isang show. Sasamantalahin na rin niya ang malamig na klima roon upang magbakasyon.

‘Yung ibang artista, beach ang punta habang ang ilan ay staycation sa bahay ang drama.

It’s time to recharge sa ilan nating artista. But take time out to reflect and pray, huh!

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with