^

Pang Movies

Sarah walang interes sa Darna!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Obvious, Salve A., na ‘di eager si Sarah Gero­nimo to replace Angel Locsin sa pelikulang Darna, kahit pa siguro bigyan siya ng offer.

Kahit pa sabi nga ng Star for All Seasons at nga­yon ay umuupong Lipa City Representative na si Vilma Santos, isang plus factor sa career ng sinumang artistang babae ang gumanap sa itinuturing na iconic Filipino heroine of all time.

Apat na beses gumanap bilang Darna si Ate Vi sa Lipad, Darna, Lipad; Darna and the Giants; Darna at Ding; at Darna Vs. The Planetwoman.

Nag-Darna rin ang Megastar na si Sharon Cuneta, although in a special episode ng isang movie ni Leroy Salvador. She begged off from doing a full-length, dahil feel niya raw ‘di niya kakayanin.

Sabi raw niya noon kay late Mina Aragon, better-half ng Viva Group of Entertainment head na si Vic del Rosario, paiyakin na lang siya nang paiyakin sa mga pelikula, huwag lang siyang palipa­ring Darna.

Well, the fact remains na gumanap din si Mega bilang Darna.

Sarah busy na uli ang career

Of Sarah, busy siya sa kanyang dalawang projects at the moment. Naatasan siyang maging miyembro ulit ng apat na jurors sa bagong season ng The Voice, this time, teenagers naman ang tampok. Ang required age sa mga participant ay 13 hanggang 17.

Co-jurors ni Sarah sina Sharon Cuneta, Bamboo, at Lea-Salonga. Sina Luis Manzano at Toni Gonzaga naman ang hosts ng show.

Nagsisimula na rin siya sa shooting for her new movie with John Lloyd Cruz.

Luis may pa-kuryente at pustiso sa mag-inang contestant

Speaking of Luis, wow naman ang panganay na ito ni Ate Vi at Edu Manzano dahil hindi na yata siya nagpapahinga.

Aba, daily, weekdays, napapanood siya sa game program na Minute to Win It, The Last Man Standing, Saturdays and Sundays, he hosts naman Family Feud.

Sunday noontime, napapanood pa rin siya sa live presentation ng musical presentation ng ABS-CBN na ASAP.

Saturdays and Sundays mapapanood ang The Voice Teens na replacement ng isa pang reality prog­ram na Your Face Sounds Familiar Kids.

By the way, umiral na naman ang pa­giging gene­rous ni Luis dahil sa nakaraang linggong edition ng Minute to Win, pinangakuan niya ang mag-inang non-celebrity contestants, na pakaka­bi­tan ang bahay ng mga ito ng kuryente, since can’t afford daw sila.

Labandera ang nanay for 23 years, at tanging ito lang daw ang ikinabubuhay nila.

At heto pa, pinangakuan din niya si nanay na reregaluhan niya ito ng pustiso, since both the older lady’s dentures, upper and lower, are gone.

Pero Luis, bilang bonus ay palagyan mo na rin ng pustiso ang kaliwang part ng upper denture ng anak ni nanay, since may mga missing teeth din siya.

In behalf of mother and daughter, Luis, salamat.

Birthday gift ni Daniel kay Kathryn inaabangan

O, hayan at birthday pala today, March 26, ni Kathryn Bernardo. Wow, ano kayang gift ang ibibigay sa kanya ni Daniel Padilla, her favorite leading man and rumored boyfriend?

May tinatapos na movie sina Kathryn at Daniel, ang Can’t Help Falling In Love, directed by Mae Cruz-Alviar, produced by Star Cinema and sho­wing in theaters nationwide on Black Saturday.

vuukle comment

SARAH GERO­NIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with