^

Pang Movies

Toni laging umaatungal sa cr pagkapanganak!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Aminado si Toni Gonzaga na nakaranas siya ng post-partum pagkatapos niyang ipanganak ang panganay nila ni Direk Paul Soriano na ngayon ay six months nang si Seve. Pero mabilis naman daw niyang nalampasan ito. “Dadaan ka talaga sa self-pity kasi siyempre siyam na buwan may dala kang human sa katawan mo tapos bigla na lang nawala. Feeling mo part of you, parang may kulang, may wala,” kuwento niya.

Dagdag pa niya, naranasan niya rin ‘yung laging umiiyak sa comfort room.

“Kasi halimbawa tapos na ako mag-breastfeed, siyempre ang sakit na ng chest ko, ang sakit na ng lahat, so pupunta ako sa CR, magbibihis ako.” 

At dumating pa siya sa point na naging ‘drama­tic actress’ siya ‘pag naririnig na umiiyak ang anak.

“Kasi nung first few months niya, kapag naghihiwalay kami, nararamdaman niya. Kapag umiiyak siya, iiyak din ako. Nag-iiyakan kami. Sinasabi ko, ‘Anak, ginagawa mo akong dramatic actress.”

Ngayon daw ay ayos na siya pero ayaw muna niyang mabuntis uli. “Huwag muna! Ginising ko talaga sarili ko. Nanaginip ako na buntis daw ako. Sabi ko, ‘Anim na buwan pa lang si Seve, bakit buntis na naman ako?’ Buti na lang pana­ginip lang,” sabi ng TV host/aktres na magiging host ng The Voice Teens together with Luis Manzano.

Magsisilbi namang mentor sina Sharon Cuneta, Bamboo, Lea Salonga, and Sarah Geronimo.

Pia mas pinagliliyab ang summer

Mas pinainit pa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang mainit na panahon sa kanyang mga pictorial sa Boracay.

Bongga ang mga ina-upload niyang litrato sa Instagram na sabi’y para sa kanyang bagong endorsement.

Kasama niya sa Bora ang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Ellen iba na ang drama

Mabilis natunaw ang isyu kay Ellen Adarna at sa anak ng mayor ng Cebu.

Photo na nakabaliktad na parang paakyat sa puno ng niyog sa beach ang latest post ni Ellen.

Naka-two piece siya siyempre. ‘Yun nga lang, parang ang daming pasa o mark ba ‘yun sa legs niya. Maputi kasi siya kaya kitang-kita ang mantsa sa kanyang balat.

 

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with