^

Metro

Mercury spill sa MSHS, sisiyasatin ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinag-utos na ng Department of Education (DepEd), sa pamamagitan ng Schools Division Office of Manila, ang pagsasagawa ng im-bestigasyon sa mercury spill na naganap sa Manila  Science High School (MSHS) kamakailan.

Nais ng DepEd na matukoy kung paano naganap ang mercury spill at kung bakit hindi ito kaagad nai-report sa mga kinauukulan.

Kasabay nito, ipinag-utos na rin ng DepEd na i-monitor ang kondisyon ng mga mag-aaral, mga guro at mga personnel ng paaralan, direkta man o hindi nalantad sa nakalalasong kemikal.

Sa paunang report, ni DepEd NCR Regional Director Ponciano Andal Menguito kay Education Secretary Leonor Briones, nabatid na sinimulan na ang pagsasailalim sa screening at mga pagsusuri ng mga mag-aaral ng medical team mula sa East Avenue Medical Center (EAMC) at Manila City Health Office (MCHO).

Batay naman sa monito-ring ng mga nurse ng School Division Office (SDO) sa mga guro at mga estudyante, na nalantad sa kemikal, lumilitaw na hindi naman nakitaan ang mga ito ng anumang senyales ng pagkahilo o hirap sa paghinga, at bagamat napaulat na isa sa mga guro ang dinala sa Philippine Ge-neral Hospital (PGH) ay hindi naman umano ito kinaila-ngang i-confine.

Nakumpleto na rin umano ng Globecare, isang industrial waste disposal specia-list, ang paglilinis sa science laboratory ng paaralan, kung saan naganap ang mercury spill at hinihintay na lamang ang isusumite nilang report.

Hinihintay pa rin umano ni School Division Supt. Wilfredo Cabral ang report mula sa Department of Health (DoH) at Manila Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO).

Sinasabing naglilinis ng science laboratory ang dalawang teacher at dalawang estudyante nito nang aksidenteng matabig ang may 60ml na mercury mula sa Charles’ Law apparatus at tumapon sa corridor ng laboratory.

Nagdulot ang insidente ng suspension ng klase sa MSHS noong nakaraang linggo ngunit inaasahang magbabalik-eskwela na ang mga mag-aaral bukas, Lunes.

 

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with