^

PSN Palaro

Lady Eagles nakatikim uli sa Lady Bulldogs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Muling napataob ng National University  ang last year’s runner-up Ateneo, 17-25, 25-23, 22-25, 25-21, 15-13 upang mapalakas ang tsansa nito sa Final Four ng  University Athletic Association of the Philippines Season 79 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpasabog ng ma­lakas na puwersa si MVP candidate Jaja Santiago ng 25 puntos mula sa 16 attacks, walong blocks at isang ace habang nakatuwang nito sa opensa sina Jorelle Singh, Aiko Urdas at Risa Sato.

Nasolo ng NU ang ikatlong puwesto tangan ang 7-4 baraha sa likod ng pumapangalawang La Salle University (8-2).

Sa kabila ng kabiguan, nanatili pa rin sa tuktok ng stan­dings ang Ateneo na may 9-2 baraha at naka­sisiguro na ng tiket sa Final Four.

Sa unang laro, ibinaon ng University of the Philippines ang 25-15, 25-16, 25-20 panalo laban sa Adamson University upang manatiling buhay ang pag-asa nito sa Final Four.

Kinailangan lamang ng Lady Maroons ng 70 minuto para makuha ang ikaanim na panalo sa 11 laro.

Bumida si Season 78 Rookie of the Year Isa Molde nang magtarak ito ng walong attacks, anim na aces at isang block kasama pa ang 22 digs habang nagdagdag naman si middle hitter Katherine Bersola ng 12 puntos at Diana Carlos ng 11 mar­kers para sa UP.

Wala pa ring panalo ang Lady Falcons para manatiling nakahimpil sa ilalim ng standings hawak ang 0-11 rekord.

“One game at a time lang. Hindi muna namin iniisip yung mga susunod na laban namin. Kung sino yung next, dun muna kami naka-focus,” ani UP assistant coach Rald Ricafort.

Nanguna sa hanay ng Adamson si Jema Galanza na may 10 puntos, 23 digs at siyam na receptions gayundin si Joy Dacoron na may siyam na puntos subalit hindi ito sapat para dalhin ang kanilang tropa sa panalo.

Dominado ng Lady Maroons ang attack line, 42-21 at ang service area, 10-3. Nakaungos lamang ng bahagya ang Lady Falcons sa blocking, 6-5.

Sa men’s division, mabilis na pinataob ng Ateneo ang Adamson, 25-18, 25-20, 25-14 para manatiling malinis ang rekord nito.

Naitarak ng Blue Eagles ang ika-11 panalo - tatlong panalo na lamang para makumpleto ang 14-game sweep na magbibigay sa kanila ng awtomatikong silya sa finals.

Namayani naman ang FEU laban sa UE, 25-19, 25-22, 25-13 na nagdala sa kanila sa 6-5 marka.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with