^

True Confessions

Damo sa pilapil (21)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Saka mo na lang isipin ang paglipat sa ibang tirahan, Zac,” sabi ni Mam Dulceamor sa mababang tinig. “Kung balak mong mag-aral, mahihirapan kang mangupahan. Dito ka muna at ikaw na muna ang magbantay habang wala ako. Masyado akong busy Zac. Marami akong gustong makalimutan. Saka mo na lang ituloy ang balak na paglipat ng tahanan.’’

“Opo Mam. Sorry po. Nahihiya lang po ako kaya ko nasabi na gusto kong lumipat.’’

“Sige, nagkakaintindihan na tayo. Kung balak mo nang mag-enrol nga­yong first semester, ipaalam mo lang sa akin.’’

“Opo Mam. Meron na po akong balak pasukang unibersidad. Mag-i-inquire na po ako bukas para ma­laman ang mga requirements.’’

“Good. Sige, ituloy mo lang ang trabaho.’’

“Opo Mam. Salamat po.’’

 

NANG makausap ni Zac si Manang Cion, sinabi nito ang pasya ni Mam Dulce.

“Huwag daw po akong umalis dito Manang.’’

“O sabi ko na sa’yo. Ma­buti na lang at nasabi ko sa kanya ang balak mo.’’

“Nagtaka nga po ako dahil kinausap ako nang masinsinan. Nalaman po niya mula sa iyo na balak kong maghanap ng tirahan.’’

“Hindi naman galit?’’

“Hindi po. Huwag ko na raw munang ituloy ang balak dahil ako na ang magbabantay nitong bahay.’’

“Sabi ko na e! Hindi ka papayagan nun.’’

Masaya si Zac sa nangyari. Malaki ang tiwala sa kanya ni Mam.

 

ISANG araw sa opis, sininghalan si Zac ng isang superbisor na lalaki.

“Hindi mo pa raw nadeliber ‘yung mga dokumento? Bakit? Di ba sabi ko unahin mo ang mga ‘yun?’’

“Nadeliber ko na po Sir.’’

“Aba gagawin pa akong ogag nito!”

(Itutuloy)

vuukle comment

DAMO SA PILAPIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with