^

PSN Opinyon

‘Itinapon pabalik!’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SAKALIN MO ang isang bagay lulusot sa mga pagitan ng iyong mga daliri. Hawakan mo ng masyadong maluwag ito naman ay lilipad.

“Ang inaasikaso niya ngayon ay ang sahod na naiwan niya sa employer. Nahihirapan siya minsan huminga,” ayon kay Aliah.

Nakatira sa General Santos City ang mga magulang ng OFW na si Anisa Solaiman.

Unang nakipag-ugnayan sa amin ang kanyang inang si Lingling Solaiman pati na rin ang kanyang ama at ibang kapatid para ihingi ng tulong ang problema sa ibang bansa ni Anisa.

Kwento ng pamilya nagtrabaho bilang Household Service Worker (HSW) si Anisa sa Jeddah. Tinulungan siyang maghanap ng employer at mag-ayos ng dokumento ng MMD Global Manpower Services Co.

Hindi niya natapos ang kontrata sa una niyang amo dahil sinasaktan siya nito. Pitong buwan lang siyang namalagi dito at dahil hindi niya na kaya ang pag-uugali nito ay nagpasya siyang tumakas.

Unang beses mangibang bansa ni Anisa at wala siyang kakilala sa lugar. May mga tumulong sa kanya at nakipagsapalaran pa rin kahit na namumuhay na siya bilang TNT.

Mula Jeddah nakarating ng Cairo, Egypt si Anisa. Nung  simula ay may komunikasyon pa sila sa pamamagitan ng Facebook ngunit sa pagdaan ng araw ay nawala na ng kontak ang pamilya niya sa kanya.

Hinihintay na lang nila kung kailan magmemensahe ang anak para makibalita sa kalagayan nito doon.

Sa huling naging pag-uusap nila ng kanyang ina ay sinabi ni Anisa na may iniinda itong sakit at gusto na daw nitong umuwi.

Hirap daw itong huminga. Nung makausap namin ang kapatid niyang si Ismael ay sumusuka daw ito ng dugo dun kaya lalo silang nababahala kung ano na ang nangyayari sa kapatid.

‘Fit to work’ naman daw nang sumailalim sa medical examination si Anisa dito sa Pilipinas.  

Sa bawat araw ay lagi nilang inaalala si Anisa. Wala silang mahingan ng balita tungkol dito at tanging sa mensahe sa Fb lang sila dumedepende.

Maging si Anisa ay nakipag-ugnayan din sa amin sa pamamagitan n gaming official facebook account. Humihingi ito ng tulong at sinabing gusto na nga niyang umuwi ng bansa.

Inaksyonan namin ito at nakipag-ugnayan kami kay former DFA Undersecretary Rafael Seguis. Ibinigay namin ang lahat ng impormasyong nakuha namin para  mas maging madali ang pakikipag-ugnayan kay Anisa.

Nakarating ang problemang ito sa embahada natin sa Egypt kay Ambassador Leslie Baja. Ibinigay namin sa kanila pati ang passport number at numerong pinapantawag sa mga magulang upang agad na magkaroon ng komunikasyon kay Anisa.

Nung una ay hindi nila makontak si Anisa. Sa ulat sa amin ni Amb. Baja nang makausap nila si Anisa ay nangako itong magtutungo sa embahada para magbigay ng kanyang salaysay.

Nang hinihintay na siya dun ay hindi naman iyo nagpakita. Ibinalita naman ito ng embahada sa kanyang mga magulang at nakausap nila ang kapatid nitong si Aliah.

Muling hiniling ng kapatid ni Anisa na mapauwi na lang ito ng bansa. Sinubukan nilang tawagan si Anisa ngunit hindi ito sumasagot.

Tinawagan namin ang pamilya ni Anisa para maging malinaw kung ano nga ba ang gusto ng kanilang anak. Wala daw kasi itong pera pamasahe pauwi ng bansa.

Talagang gustong umuwi ni Anisa ngunit wala lang daw itong pera. Sabi din ni Anisa sa amin ang patakaran daw doon ay ang embahada ang mag-aayos ng travel documents pero kargo ni Anisa ang pagbili ng tiket.

Bilang TNT ay nakapagtrabaho si Anisa pero sapat lang daw ito para mabuhay dun. Nahirapan lang daw siya nang may iniinda na siyang sakit.

Sa huli ay nagpakita na sa embahada si Anisa at nagbigay ng kanyang salaysay doon.

Sinasaktan siya ng kanyang employer at ito ang nagdala sa kanya sa Cairo. Maayos naman siyang nagtatrabaho at sumasahod pero pagdating ng Agosto 18, 2015 ay sinaktan siya nito.

Ang kanyang kasamahan dun ang naninira sa kanya kaya pinaso ng amo ang kanyang dalawang kamay.

Napagbintangan siyang nagnakaw pero giit niya wala itong katotohanan. Ang pamilya niya sa Pilipinas ang naisipan niyang hingan ng tulong.

Dumating ang kinatawan ng embahada sa bahay ng kanyang amo pero hindi niya alam kung ano ang napag-usapan ng mga ito. Hindi siya kinuha sa poder ng amo.

Sa kawalan ng pag-asa nagpasya na lang siyang mag run-away dahil sa sinasaktan din siya ng kanyang kasamahan doon.

Pansamantala siyang nakitira sa kamag-anak at nagbakasakaling may mabait na among pwede niyang pasukan.

Habang dumadaan ang araw ay napansin niyang nahihirapan na siyang huminga.

Nagkaroon pa ng kalituhan kung talaga bang gusto ni Anisa na umuwi dahil sinabi niya sa embahada na magtatrabaho daw muna siya dun at hindi muna babalik ng bansa.

Taliwas naman ito sa kagustuhan ng pamilya nang tumawag ang embahada sa kanila. Hiniling nilang mapauwi na lamang ito ng bansa.

Kung may sapat na pera lang ito ay uuwi naman daw ito ng bansa. Sa huli ay mismong si Anisa na ang nagsabi na gusto na niyang umuwi ng bansa.

Inasikaso ng embahada ang kanyang repatriation.

Nakatanggap kami ng email nitong Marso ng nakauwi na daw si Anisa sa bansa.

inawagan namin ang kanyang kapatid na si Aliah at kinumpirma niyang Marso 2, 2017 nang gabi nang makauwi ng bansa si Anisa.

Sa pagkakaalam daw ni Aliah ay ang embahada na natin ang sumagot ng tiket at ang ginastos ni Anisa ay ang pag-uwi niya ng General Santos City.

“Marami pong salamat sa tulong ninyo,” ayon kay Anisa.

Nais din naming magpasalamat kay former DFA Usec. Seguis sa walang sawa niyang pagtulong sa mga problemang idinudulog sa amin.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with