^

Pang Movies

Lakas ni Sharon masusubukan kung papatok sa indie

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang balita, may ginagawa nang isang indie film ang Megastar na si Sharon Cuneta na isasali diumano sa CineMalaya Film Festival.

Sa tingin namin ay napakatinding challenge iyan para sa Megastar. Hindi natin ma­ikakaila na si Sharon ay kabilang sa mga itinuturing na superstars, at sa ngayon naman ay sinasabing tatlo pa lang ang lehitimong nakara­ting na sa ganyang level, sina Nora Aunor, Vilma Santos at si Sharon Cuneta nga.

Si Nora Aunor ay ilang ulit na ring naging Best Actress sa CineMalaya. Si Ate Vi na minsan lang gumawa ng indie film ay nanalo agad na Best Actress sa CineMalaya, bukod pa nga sa naging top gros­ser sa festival na iyon ang kanyang pelikula.

Kung sasali nga ang indie na ginagawa ni Sharon sa CineMalaya, aba eh kailangang manalo siyang Best Actress diyan, at kumita nang husto ang gagawin niyang pelikula para masabing naroroon pa rin siya sa superstar level. Kailangang kumita ang kanyang pelikula, kung hindi sasabihin ng iba na bumaba na ang level niya.

Ang isa pa, aywan kung bakit nga ba nauwi sa indie ang pelikula ni Sharon. Wala namang masama sa indie, pero alam naman ninyo rito sa atin, hanggang ngayon basta sina­bing indie talagang hindi tinatangkilik ng mga tao. Pero kumita na nga ang indie ni Vilma. At kung kikita rin iyang gagawing indie ni Sharon, magiging maliwanag na talagang mahuhusay na artista lamang na gustong mapanood ng mga tao ang susi para kumita ang mga pelikulang ganyan. 

Kung hindi naman kikita ang gagawing indie ni Sharon, tiyak na ang sasabihin ng mga tao talagang mahina basta indie, pero kailangan manalong Best Actress si Sharon.

Aywan ha, pero hanggang ngayon si Ate Vi lamang ang may distinction na kumikita ang pelikula kahit na indie lang.              

Vivian, Leah, at Jim nilamon na ng pulitika?!

Sa totoo lang, hindi na namin nagugustuhan ang labis na pamumulitika ng ating mga artista. Noong isang araw, sinasabing si Vivian Velez daw ang namuno sa isang rally sa harapan ng office ng Vice President bilang protesta na ayon sa kanya ay “paninira nito sa Pilipinas”.

Iyon namang si Leah Navarro, pati ang nickname ng apo ng presidente na Stonefish, pinakikialaman pa. Eh ano naman ang kinalaman ng bagong panganak na bata sa pulitika?

May nagsasabi na ngang kaya ganyan ang mga artista dahil walang masyadong trabaho sa show business. Matagal nang walang recording o concert iyang si Leah Navarro. Kamakailan lang ay sinasabing nilangaw ang concert ng isa pang artistang namumulitika, si Jim Paredes. Ang dami raw nagsauli ng tickets dahil nadismaya sa kanyang pamumulitika.

Iyan siguro ay dapat ngang i-consider. Ayaw ng mga tao sa mga artistang hindi naman pulitiko ay labis na namumulitika.

Liza may hugot sa pagtatanggol sa mga indie

Napanood namin iyong TV interview ni Liza Diño, na nagsabing naging napakasakit na karanasan sa kanya iyong may ginawa siyang pelikula tapos walang nanonood. Kaya pala ganoon na lang ang kanyang stand para sa mga indie films.

Pero dapat niyang tandaan na hindi talaga napipilit ang mga tao kung ano ang pelikulang dapat nilang panoorin.

vuukle comment

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with