^

Bansa

Nagbibisikletang aktor sumalpok sa truck sugatan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sugatan ang aktor na si Jake Cuenca matapos sumalpok ang  minamaneho nitong bisekleta sa sinusundang truck sa Pasay City kahapon ng umaga.

Isinugod ang aktor na si Cuenca, 29,  sa Medical City sa Pasig City matapos magtamo ng  bali sa buto sa kanang kamay, mga galos sa kaliwang braso, kanang tuhod, noo at baba.

Ayon sa inisyal na report na natanggap ng Pasay City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente alas-7:00 kahapon ng umaga sa bahagi ng SM Mall Of Asia (MOA) sa naturang siyudad.

Minamaneho ni Cuenca ang kanyang bisekleta dahil nagsasanay ito  para sa sasalihang competition, IronMan 70.3 triathlon event sa darating na Agosto.

Habang sinusundan nito  ang isang truck ay biglang huminto ang truck at hindi nakontrol nito ang preno ng kanyang bisekleta hanggang sa sumalpok ito.

May malay namang dinala si Cuenca sa naturang ospital ng kanyang personal driver at ayon sa ama ng aktor na si Juan Tomas, patuloy na susuriin ito para matiyak kung ano ang pinsalang tinamo nito.

Hindi idinitalye ni SPO1 Ronald Pacleb,  Pasay Traffic Enforcement Unit ang pangalan ng tsuper ng truck at kung ito ba ay nahuli o sumuko. Patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente.

 

vuukle comment

JAKE CUENCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with